Advertisers

Advertisers

PCO Sec. Dave Gomez, nagbabala sa publiko vs fake news ukol sa energy situation sa bansa

0 5

Advertisers

BINALAAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang sinumang sadyang nagkakalat ng pekeng balita online tungkol sa kasalukuyang energy situation sa bansa.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, haharap sa batas ang sinumang manlilinlang para sa personal o pulitikal na interes.

Pinaalalahanan din ni Gomez ang publiko na ang pagpapakalat ng “false news” ay may parusang hanggang anim na buwan pagkakakulong sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code, at doble ang parusa kapag online, ayon sa Cybercrime Prevention Act.



Aniya, ang pekeng impormasyon ay nakakasira ng tiwala ng publiko, nakakaapekto sa ekonomiya, at naglalagay sa kapakanan ng mga Pilipino sa panganib sa panahon ng energy emergency.

Magkakaroon aniya ng zero tolerance sa sinumang manlilinlang sa publiko tungkol sa suplay, presyo, o seguridad ng enerhiya.



Giit niya, ang anti-fake-news desk ng PCO, kasama ang Department of Justice, ay maghahain ng kaso laban sa mga lalabag.

Kaya hinihikayat ni Gomez ang lahat na umasa lamang sa opisyal na pahayag at beripikadong impormasyon.



Ang pagpapakalat aniya ng hindi verified information ay maaaring makapinsala sa publiko.

Patuloy din aniya ang PCO sa paghahatid ng tama, napapanahon, at opisyal na updates tungkol sa enerhiya upang mapanatili ang katatagan ng suplay at protektahan ang mga mamimili. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)