Advertisers

Advertisers

Piso, posibleng bumagsak sa P64 kada $1 kung magpapatuloy ang digmaan sa Middle East

0 12

Advertisers

MAAARING lalo pang humina ang halaga ng piso at umabot sa P62 hanggang P64 kada dolyar kung magtatagal ang digmaan sa Middle East at patuloy na tataas ang presyo ng langis, ayon sa MUFG Bank.

Sa kasalukuyan, bumagsak na ang piso sa record low na P60.748 noong Marso 31. Ayon sa bangko, maaaring lampasan ng piso ang P61:$1 sa ikalawang quarter ng 2026 kung hindi huhumupa ang kaguluhan doon sa Gitnang Silangan kasabay ng pag-sirit ng presyo ng langis sa $120 hanggang $140 kada bariles.

Malaki ang epekto ng krisis sa Strait of Hormuz, na mahalagang daanan ng langis sa buong mundo. Dahil umaasa ang Pilipinas sa imported na langis, direktang naaapektuhan ang ekonomiya nito kapag tumataas ang presyo.



Babala ng MUFG, bawat $10 na pagtaas sa presyo ng langis ay maaaring magpabagal sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas at magpataas ng inflation. Kapag nagpatuloy daw ito, posibleng lumampas sa target na 4% ang inflation at mapilitan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magtaas ng interest rates.

Bukod dito, maaari ring maapektuhan ang presyo ng kuryente, pagkain, at transportasyon, pati na ang remittances mula sa Middle East kung saan nagtatrabaho ang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).



Sa hiwalay na pagtataya, sinabi ng United Overseas Bank na maaaring umabot sa P61.5 kada dolyar ang piso sa ikalawang quarter bago bahagyang bumawi sa mga susunod na buwan.

Sa kabila ng negatibong outlook, sinabi ng mga eksperto na maaaring makatulong ang pamumuhunan sa imprastraktura at renewable energy upang mapatatag ang ekonomiya at mabawasan ang epekto ng krisis sa hinaharap.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">