Advertisers
MATAPOS sumabog ang flood control scandal sa Department of Public Works and Highways (DPWH), tila may isang ahensya pa ng gobyerno na nakikinabang umano sa mga kickback at payola system. Bali-balita sa Palasyo na susunod nang uungkatin ang baho sa loob ng Department of Transportation (DOTr).
Pinapaimbestigahan na diumano ang mga opisyal na sangkot sa pangongontrata at paghingi ng kickback para sa mga proyektong dapat ay para sa taumbayan. Sangkot umano rito ang mga opisyal na nagsimula noong nakaraang administrasyon.
Maliban sa male-maletang pera na kinukulimbat ng mga opisyal sa DOTr, may isyu rin umano ng hindi pagpapasahod nang tama at on time sa mga job order at contractual employees ng departamento. Tila inuuna umano ng mga Usec at Asec ng departamento ang pansariling interes kesa sa kapakanan ng mga taong naglilingkod sa bayan.
Ayon sa isang source mula sa loob, tumatanggap diumano ang mga opisyal ng buwan-buwang payola mula sa mga big-time contractors. Dagdag pa ng source, inuna pa ng mga Usec at Asec ang pagkontranta ng bagong opisinang lilipatan ng mga opisyal. Puro “study tour” at “shopping” umano ang inaatupag ng mga nasabing opisyal.