Advertisers

Advertisers

Maayos ang kalusugan ni PBBM – Malakanyang

0 7

Advertisers

HINDI ligtas ang iba pang nagpapakalat ng fake news laban sa First Family, lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa umano’y lagay ng kanyang kalusugan.

Ginawa ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez ang pahayag matapos isumite sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang findings kay Acting Justice Secretary Frederick Vida laban sa isang Facebook page na umano’y nagpapakalat ng fake news, upang magsagawa ng masusing imbestigasyon at matukoy ang mga administrator nito.

Paliwanag ni Gomez, walang malilibre o maliligtas sa imbestigasyon, at kapag may nakitang matibay na ebidensiya ay agad na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga sangkot.



Matatandaang kumalat sa social media ang mga maling balita na nagsasabing lumalala umano ang sakit ni Pangulong Marcos.

May mga naglabasan ding Facebook posts na nagsasabing mayroon umano itong stage 4 cancer, na agad namang pinabulaanan ng mga opisyal ng pamahalaan.



Samantala, napatunayan ding fake news ang mga nabanggit na post dahil may mga events na dinaluhan si PBBM sa Malacañang nitong Lunes, patunay na maayos ang kalusugan ng Punong Ehekutibo. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">