Advertisers

Advertisers

Mga hindi boto sa boypren ng aktres… FANS NI KATHRYN NAGPENITENSIYA NANG LUMABAS ANG LARAWAN NILA NI MAYOR MARK NA MAGKAHOLDING HANDS

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

May sitsit na nag-penitensya raw noong Good Friday ang fans ni Kathryn Bernardo nang lumabas ang larawan ng aktres at ng rumored boyfriend niyang Lucena Mayor na si Mark Alcala.

Hindi na nga itinago ni Kath ang relasyon nila ni Mark kung saan nasa Thailand ang dalawang personalidad at doon na rin nagpalipas ng Semana Santa at sila ay nakuhanan na magkahawak kamay habang naglalakad sa isang mall doon.

Hindi pabor ang fans ng aktres kaya naman nagpenitensiya raw ang mga ito sa mismong Biyernes Santo.

May mga nakakaintindi naman sa aktres, siguro nga talagang mahal niya ang Mayor ng Lucena City.

“Classic case of ignoring all the red flags and jumping off the hot pan and into the fire…but hey, it’s her life, not ours.”

“So what?! Her life her choice and they’re both single. Forever I adore her.”

“Ok lang binata at dalaga naman sila, wala naman silang sabit and bagay naman sila”

Ayon naman sa isang netizen, “Ang concern ko e sana nagagampanan maayos katungkulan nya sa Lucena. Kung oo naman, e keri na yan”

Tama naman ang netizen, pwede namang pagsabayin ni Mayor Mark ang kanyang trabaho at ng pagiging boyfriend niya kay Kath.

Siguro, dapat ding pagsabihan ng aktres na wag ilaan ang oras sa kanya dahil maging siya ay binabash ng netizens.

Time management kumbaga.

Just saying….