Advertisers

Advertisers

P92.8-M ‘ghost’ flood control project na iniuugnay kay Revilla, 95% complete sa loob lang ng 21 araw

0 7

Advertisers

TUMESTIGO ang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bail hearing ni dating Senador Ramon Revilla Jr. sa Sandiganbayan Third Division.

Ibinunyag niyang ang P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan, na kasalukuyang sentro ng graft at malversation case laban sa dating Senador, ay idineklarang 95% na kumpleto matapos lamang ng 21 araw.

Ngunit sa video inspection noong Setyembre 16, 2025, ipinakita lamang ang mabuhanging tabing-ilog.



Sa kaniyang pagtestigo, ibinunyag ni Atty. Ivan Bernard Samson ng NBI na ang “notice to proceed” ay inilabas noong Abril 8, 2025, subalit idineklara ng 95.17 porsyentong tapos ang proyekto noong Abril 29 ng parehong taon.

Pero kung susumahin, maaaring umabot ang proyekto ng hanggang 270 araw bago makumpleto.



Kinumpirma rin ng NBI agent na walang subpoena laban kay Revilla, gamit ang testimonya ni dating Public Works undersecretary Roberto Bernardo bilang ebidensya, dahil sapat na aniya para sa paguusig ang bigat ng ebidensiya laban kay Revilla.

Mariin namang itinanggi ni Revilla sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Francesca Senga ang mga alegasyon, at tinawag itong “hearsay” mula sa “unbelievable and unreliable source.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">