Advertisers

Advertisers

Zel Fernandez, hindi trip magpantasya sa lalaki

0 2

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKAKAGIGIL ang taglay na kaseksihan ni Zel Fernandez, sa vital statistics niyang 36-25-36, tiyak na maglalaway ang mga kalalakihan.

Isa siya sa sexy actress sa VMX na pantasya ng maraming barako.

Mapapanood ang kanyang alindog sa pelikula ni Direk Topel Lee titled “Abot Langit,” na available na ngayon sa VMX app.

Nagkuwento si Zel sa pelikulang tinatampukan nila nina Aliya Raymundo, JC Tan, Jio Yoshida, at iba pa.

Aniya, “Sa movie, ako po si Pia kasama nila Vanne (Aliya) na flight attendant trainee.

“May love scene po kami ni Patrick dito, BF ni Vanne si Patrick… and based po sa mga nare-receive kong messages and comments, the best daw yung scene ko here kasi ginaganahan daw po sila sa bembang, hahaha!”

Dagdag pa niya, “First movie ko po ito sa VMX as supporting lead, kasi yung iba hindi naman siya considered as own movie ko. Supporting lead nga lang po ako here sa Abot Langit, kaya sana soon panay lead na, kasi yun din naman ang request ng mga supporters ko.”

So, ito ang hottest at most daring movie niya?

“As of now, yes po, hahaha!” Nakatawang sagot pa niya.

Ibang klase ang kaseksihan ng alagang ito ni Jojo Veloso. Kumbaga, dibdib pa lang niya ay ulam na, ‘ika nga.

Ano ang magiging reaction niya kapag sasabihang asset niya sa showbiz ang kanyang malulusog na dibdib?

“Agree naman po ako roon na itong boobs ko ay asset ko! Pero hindi lang naman boobs ang asset ko po, kundi buong katawan, hahaha! Joke!

“Pero sabi nga po nila, beauty is in the eye of the beholder. Kung hindi nila makita, pikit na lang sila, hahaha! Joke po ulit, spread love lang not bitterness, hindi ba?” Masayang sambit pa ni Zel.

Nasubukan na ba niyang magpantasya sa lalaki? Like, yung crush na crush niyang aktor?

“I think hindi pa, I’m not into fantasy eh, I’m more into actions. Baduy kasi, for me lang naman, hahaha!”

Incidentally, abangan si Zel sa Bumper 2 Bumper Carshow X Off-Road Show sa Cebu sa May 2-3 sa IL Corso Filinvest Malls, at sa Bacolod sa The Upper East Megaworld Bacolod, sa May 9-10.