Advertisers

Advertisers

Kim Chiu nakaharap na si Marian Rivera

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ikinatuwa ng fans ang naging pagkikita ng dalawang sikat na aktres na sina Kim Chiu at Marian Rivera sa isang star-studded event ng Prime Video.

Sa kanyang opisyal na X (dating Twitter) account, ibinahagi ni Kim ang maikling video ng kanilang tinawag niyang “organic encounter” ni Marian. Makikita sa clip ang simpleng pag-uusap ng dalawa habang nakangiti at tila magaan ang naging interaksyon sa gitna ng naturang pagtitipon.

“Organic encounter with the one and only Ms. Marian Rivera [heart] hihi,” ani Kim sa kanyang post na agad umani ng papuri at kilig mula sa mga netizen.

Reak ng negtizens, espesyal ang naturang tagpo dahil bihira ang pagkakataong magsama sa iisang event ang mga artista mula sa magkaibang network.

Samantala, magiging abala ang dalawa sa kanilang pagbibidahang proyekto. Si Marian ang bida sa paparating na seryeng “Behind Closed Doors” sa direksyon ni Dominic Zapata, habang si Kim naman ay gaganap sa seryeng “Kopino” kasama si Paulo Avelino.

Bukod sa acting projects, si Marian ay kasalukuyang head ng Dance Authority sa “Stars On The Floor 2026,” na mapapanood tuwing Linggo, 7 pm. Si Kim naman ay isa sa mga host ng noontime show na It’s Showtime, na umeere Lunes hanggang Sabado.