Advertisers

Advertisers

VICE GANDA BALIK IT’S SHOWTIME

0 5

Advertisers

Ni Beth Gelena

Bumalik na si Vice Ganda sa It’s Showtime nitong Sabado, April 18, na ibang-iba na ang aura.

Mapapansing may nabago sa kanyang katawan at yun ay ang pagpapalagay niya ng boobs.

Mahigit isang buwan ding hindi napanood ang Unkabogable Phenomenal Superstar sa noontime show ng ABS CBN.

Kaya nang lumitaw siya sa entablado ay totally naka-OOTD ng lady outfit na bagay na bagay sa kanyang katauhan.

Nakatop siya ng dotted blouse with long skirt na tila serena ang tabas. Sabi nga ni Vice na naglululundag pa para ipakita sa madlang pipol ang matibay na enhancement ng kanyang boobs.

Aniya, “si Ion (Perez) nga nagtatanong hanggang kailan ka magiging ganyan?” kaya naman nagtawanan ang mga host at madlang pipol.

Samantala, ang mga contestant ng Laro-laro Pick ay pawang mga jeepney drivers.

Halos ang mga nai-interbyu ni Meme Vice ay pawang pagtaas ng gasolina ang hinaing nila sa buhay.

Kaya naman sa pagbabalik ay nanindigan si Vice kasama ang mga tsuper ng jeep sa gitna ng kanilang mga paghihirap dahil sa mahal na presyo ng gasolina at nanawagan sa gobyerno.

Sa pagbabalik ni Meme Vice muli ay nakarinig na naman nang matatalas na salita para sa gobyerno, bilang suporta niya sa mga mga tsuper ng jeep.

Dahil sa mataas na presyo ng gasolina, ang mga tsuper ng jeep at iba pang mga taong umaasa sa gasolina ang lubos na naapektuhan.

May malaking impluwensya at plataporma sa bansa si Meme Vice kaya muli niyang ginamit ang kanyang boses para manawagan sa gobyerno at nagmakaawa na bigyan ng nararapat na tulong ang jeepney drivers.

Naantig ang kanyang puso nang marinig ang mga kwento ng mga tsuper.

Panawagan ni Vice, “Sana lang nanonood ang pamahalaan . Marami pong Pilipinong ganito ngayon, nawalan ng trabaho dahil sa taas ng presyo ng gasolina, lalong lalo na ang mga driver, sila ang unang tinamaan ng krisis na ito. Hindi na makapasada.”

“Ang tanong, ano ang plano n’yo sa kanila?” dagdag pa ni Vice.