Advertisers
Ni Cris Ibon
SA harap ng nakaambang operasyon ng P1.3-bilyong chemical storage project ng Pryce Gases Inc. ay nanawagan ang libo-libong mamama-yan, kabilang ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang conversion ng mahigit sa 17 ektaryang lupain na gawing “heavy industrial zone” sa Talahib Pandayan, Batangas City.
Batay sa nakalap na tala mula sa mga naturang mamamayan, dating sakop ng forest at tourism zones ang 17.378 hectares (173,783 sq.m.) na lupain na rehistrado sa pangalan ng walong indibidwal, anim sa mga ito ay may apelyidong Escaño.
Pinagtibay na mare-classify bilang industrial ang naturang lupain batay sa Resolution No. 22-543 noong April 2025 ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas City.
Ayon pa sa tala, sa bisa ng kahilingan ng isang Defeles ay nailipat sa poder ng isang may apelyidong Escaño ang naturang lupain na naunang nabig-yan ng Batangas City SP ng “Locational Clearance” noon pang August 2024 upang magsagawa ng konstruksyon ng planta ang Pryce Gases Inc. sa Barangay Talahib Pandayan, na kung tawagin din ay Jetty Facility o Heavy Industrial Project.
Iniuulat na malapit sa ki-naroroonan ng malaking illegal quarry na ino-operate ng isang alyas Macalalad ang lugal na pinagtayuan ng chemical storage plant.
Bago paman nag-umpisa ang paggawa ng pasilidad ay mahigpit nang nagprotesta ang libu-libong residente ng kanugnog na bayan ng Lobo sa tulong ng kanilang mga lokal at barangay opisyales.
Katulad din ng paninindigan ng MKKB, tinuligsa ng mga re-sidente ang panganib na idudulot ng operasyon ng naturang chemical storage plant na naka-desenyo ding gamiting storage facility na daungan at kargahan ng sasakyang pandagat na maglululan ng marine infrastructures, industrial materials at liquefied natural gas (LNG).
Ayon sa kanila, malaking banta sa karagatan ng Verde Island Passage na sumasaklaw din sa mga dagat ng Lobo ang operasyon ng planta at daungan sa Barangay Talahib Pandayan.
Inihayag ng mga ito ang kanilang pangamba na magiging seryosong banta sa mga bahura sa naturang “kipot” at sa mga mangingisda ang pagdaong doon ng mga LPG tankers dahil sa malamang na pagkakaroon ng malimit na oil spill sa karagatan.
Ang tinatayang 1.14 na ektarya ng Verde Island Passage ay santuaryo ng tinatayang 1,736 shore fish species, endangered sea turtles, whale sharks, mahigit sa 300 ibat ibang uri ng bahura at iba pang yamang dagat.
Tinatayang mahigit sa 2 mil-yong mamamayan sa Batangas, probinsya ng Romblon na ki-naroroonan ng kung tawagin ay “Romblon Triangle”, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro lalo pati ng mga mangingisda at biyahero sa Manila Bay, Palawan at sa South China Sea ay mawawalan ng pagkakakitaan.
Nagkaroon ng malawakang oil spill noong 2023 sa karagatan ng Naujan, Oriental Min-doro na nakakawing din sa Verde Island Passage kaya’t maging ang “kipot” na kilala din na“Amazon of the Ocean” ay lubhang naapektuhan.
Ang masamang epekto ng polusyon ay naranasan din sa malaking bahagi ng karagatan sa bansa kaya panawagan ng mga apektadong residente at MKKB sa senado na agarang magpaim-bestiga. May karugtong…