Advertisers

Advertisers

Digong haharap sa paglilitis sa ICC

0 8

Advertisers

KINUMPIRMA ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang lahat ng kasong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kaugnay ng umano’y crimes against humanity of murder na naganap sa ilalim ng kampanya kontra droga.

Ayon sa ICC, sapat ang ebidensiyang iniharap ng Office of the Prosecutor upang ituloy ang paglilitis.

Kabilang sa mga kasong kinumpirma ang tatlong bilang ng crimes against humanity, na tumutukoy sa 78 biktima ng extrajudicial killings sa Pilipinas.



Matapos ang desisyon, pormal nang isinusulong ang paglilitis kay Duterte sa The Hague, Netherlands.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng naunang ruling ng Appeals Chamber na nagpapatibay sa hurisdiksiyon ng ICC sa mga krimeng naganap bago pa man umatras ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.



Pahayag ng mga analyst, ang desisyong ito ay nagmamarka ng makasaysayang yugto sa pandaigdigang hustisya, dahil ito ang unang pagkakataon na isang dating pinuno ng estado mula sa Timog-Silangang Asya ay haharap sa ganitong antas ng paglilitis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">