Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan, naglabas ng hold departure order vs Romualdez

0 8

Advertisers

HINDI muna maaaring umalis ng bansa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez matapos maglabas ng precautionary hold departure order ang Sandiganbayan.

Inilabas ang utos ng Seventh Division ng korte kasunod ng kahilingan ng Office of the Ombudsman habang iniimbestigahan si Romualdez sa mga reklamong plunder, bribery, paglabag sa Anti-Graft Law, at money laundering.

Pahayag ng kampo ni Romualdez, inaasahan nilang masusunod ang tamang proseso. Sinabi ng kanyang abogado na si Attorney Ade Fajardo na wala pa silang natatanggap na opisyal na kopya ng reklamo at itinanggi ang mga paratang laban sa dating speaker.



Nauna nang tinanggihan ng Office of the Ombudsman ang hiling ni Romualdez na makabiyahe sa Singapore para sa medical check-up dahil sa umiiral na imbestigasyon.

Sinabi rin ng mga opisyal ng Ombudsman na kailangan ang hold departure order para matiyak na haharap sa proseso ang respondent at hindi makakaalis habang dinidinig ang kaso.



Samantala, hinihintay pa ang aksyon ng Anti-Money Laundering Council para sa posibleng pag-freeze ng mga ari-arian ni Romualdez kaugnay ng kasong money laundering.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">