Advertisers

Advertisers

Nabistong tagong yaman ni Misfit Sara

0 7

Advertisers

“PUSOY” si Misfit Sara, ani Sonny Trillanes. Salitang kalye ito na ang ibig sabihin ay hindi basta makakalusot ang anak ni Gongdi na kilala sa kapalaluan, kabastusan, at kamangmangan sa maraming bagay kasama na ang batas. Pinatunayan ng mga opisyal na dokumento na iniharap sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas na mga bilyong piso ang sumailalim sa kuwestyonableng transaksyon at dumaan sa mga bank account na kinilala na nasa pangalan ni Misfit Sara, asawang Manash Carpio, Gongdi, at iba pang Duterte.

Hindi sumisipot si Misfit Sara sa mga pagdinig ng Luistro Committee. Wala kasing lusot, ani Sonny Trillanes. Iniwan ng Misfit sa kanyang mga utusang abogado sa pamumuno ni Michael Poa na nagmukhang isang couturier sa fashion show ang pagpapaliwanag. Nag-isyu lang si Misfit Sara ng isang press release kung saan pinagbintangan niya na isang “sabwatan” ng mga mambabatas, BBM, at mga ahensya ng gobyerno ang mga akusasyon sa kanya.

Nahuling hindi nauunawaan ni Poa na magkaiba ang mga kategoryang cash at hand at other assets. Walang inilagay na cash at hand si Misfit at asawang Manash Carpio sa kanilang taunang Statement of Assets and Liabilities (SALN) na isinumite noong 2019-2024. Ipinaliwanag ni Poa na isinama sa kategoryang other assets ang cash at hand, isang bagay na labis na pinagtawanan ng mga kontador (accountant) dahil hindi nangyayari ito. Magkaibang kategorya ang dalawang item na ito sa SALN.

Kahit abot sa P6.7 bilyon ang kabuuang halaga ng pera na dumaan sa mga account ni Misfit Sara, hindi nangangahulugan na may ilegal na gawain si Misfit, ani Poa. Hindi sila sangkot sa ilegal na droga, aniya bilang sagot sa bintang ni Trillanes. Hindi sila tumanggap ng pera mula kay Sammy Uy, isang druglord sa Davao City, aniya. Hindi sineryoso ang paliwanag ni Poa.

Ayon kay Kin. Terry Ridon ng Bicol Saro Party List, hindi totoo na hindi ipinapasok sa bangko ng mga mandarambong ang kanilang tagong pera. Ipinapasok ang mga ito umano sa maleta, ayon sa mga kakampi ni Misfit Sara. “Hindi nagsisinungaling ang dokumento,” ani Ridon. Matibay na katibayan ang mga dokumento dahil ito ang record ng pagpasok at paglabas ng tagong yaman ni Misfit Sara. Sineseryoso ang mga dokumento, ani Ridon.

Labis-labis na ang mga katibayan upang sabihin na may batayan o probable cause ang mga paratang sa dalawang impeachment complaint upang iharap at sumulong sa Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives). Inaasahan na tatapusin ng Luistro Committee ang pagdinig sa ika-29 na Abril at ihaharap ang mga reklamo sa plenaryo sa pagbubukas ng regular na sesyon ng Kongreso sa ika-4 ng Mayo.

Inaasahan na may sapat na bilang na mambabatas na mag-aapruba sa Articles of Impeachment na isasampa sa Senado na bubuuin ang sarili bilang impeachment court upang litisin si Misfit. Samantala, patuloy na inaanyayahan ni Luistro na humarap si Misfit Sara sa pagdinig ng kanyang komite at ipaliwanag ang kanyang panig. Sinabi ng kanyang kampo na hindi haharap si Misfit at ipinalusot ang kanilang petisyon sa Korte Suprema bilang dahilan sa pagtanggi na humarap sa pagdinig.

Sa Senado na lang siya haharap at magpapaliwanag, anila. Kunsabagay, nandoon ang kanyang matapat na kaalyado tulad ni Rodente Marcoleta, Alan Peter Cawatano, Babs Marcos, at Camoteng Robin Padilla. Pero hindi sila kilala sa angking galing at talino. May iba pa siyang kakampi ngunit pawang natalian ang kanilang mga kamay at binusalan ang mga bibig dahil nahaharap sila sa iba’t ibang sakdal. Nandiyan si Tricky Tsis Escudero, Joel Villanueva, at Jinggoy Estrada na maaaring humarap sa sakdal na plunder. Nagtatago si Bato dela Rosa at maaari rin humarap si Bong Go sa sakdal sa ICC.

***

MAAARING mag-umpisa sa Setyembre o Oktubre ang pormal na paglilitis kay Gongdi sa ICC matapos ang tanggihan ng ICC Appeals Chamber ang petisyon na ma-dismiss ang sakdal na crimes against humanity dahil wala ng jurisdiction ang ICC kay Gongdi. Ito ang inaaabangan ng sambayanan – ang litisin si Gongdi sa kanyang kasalanan sa bayan.

Magkakaroon muna ng ilang status conference ang mga manananggol ng magkabilang panig bago simulan ang opisyal na paglilitis. Kailangan nilang magkasundo sa mekanismo ng paglilitis. Maaari umano tumagal ang kanilang status conference. Kung mangyari ito, maaaring sa 2027 na magsisimula ang paglilitis.

Dalawang bagay ang saysay ng nakaraang desisyon ng Appeals Chamber: una, wala ng hadlang na legal sa paglilitis ni Gongdi; at ikalawa, mananatili sa kulungan ng ICC si Gongdi habang nililitis siya at hanggang matapos ito.

***

HINDI lapiang pulitikal ang PDP-Laban. Sindikato ito ng mga kriminal – mamamatay tao, mandarambong, adik, sanggano at iba’t-ibang uri ng mga taong mababang uri (lowlifes) at kahit mga lamanlupa sa pulitika ng bansa. Kamakailan, nagsama-sama sila upang ihalal umano bilang pangulo si Baste Duterte, ang alkalde ng Davao City.

Dating iginagalang ang PDP-Laban. May makinang itong kasaysayan. Itinatag ito bilang Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP) noong 1981 ni Nene Pimentel at ilang kasamang lider pulitikal mula Mindanao. Isang taon pagkatapos ng pagbuo ng PDP, sumapi ang Lakas ng Bayan (Laban) ni dating Senador Lorenzo Tanada upang buuin ang PDP-Laban.

Ngayon, nilulukuban ito ng demonyo at kasamaan. Ang PDP-Laban ang lapian ni Satanas.

***

HINDI Invictus ang tula ni Gongdi kundi Convictus, ayon sa mga pilyong netizen.