Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan naglabas ng precautionary hold departure order vs Escudero, Ngu

0 6

Advertisers

NAGLABAS ng isang precautionary hold departure order (PHDO) ang Sixth Division ng Sandiganbayan laban kay Senator Francis Joseph Chiz Escudero at sa isang pribadong indibidwal nitong Lunes, Abril 27.

Batay sa dokumentong inilabas ng anti-graft court, inatasan ng anti-graft court ang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na pigilang makalabas ng Pilipinas ang mga nasabing respondents.

Bukod sa senador, kabilang din sa inilagay sa Hold Departure List ang isang indibidwal na kinilalang si Maynard Siy Ngu.



Nakatala sa aplikasyon si Escudero bilang isang Senator at si Ngu bilang isang Private Citizen.

Ang direktibang ito ay nag-ugat mula sa isang Verified Ex Parte Application for the Issuance of a Precautionary Hold Departure Order na isinampa sa Sixth Division ng korte.



Karaniwang inilalabas ng Sandiganbayan ang ganitong hakbang bilang pag-iingat upang matiyak na mananatili sa loob ng hurisdiksyon ng bansa ang mga indibidwal na posi-bleng nahaharap sa mga preliminary investigation o reklamo.

Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Senador Escudero at ni Ngu kaugnay ng inilabas na kautusan, gayundin ang kumpirmasyon mula sa Bureau of Immigration hinggil sa agarang pagpapatupad ng nasabing PHDO.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">