Advertisers

Advertisers

RABGEL IPAMAMALAS ANG KAKAYAHANG GUMANAP SA IBA-IBANG GENRE

0 10

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

VIVA ONE ORIGINALS: RABGEL
Premieres May 15 | New Episode every Friday

ANG RIDER KONG HOODLUM
Starring: Rabin Angeles, Angela Muji
Director: Philip King
May 15

SAME DAY ERROR
Starring: Rabin Angeles, Jerald Napoles
Director: Rayn Brizuela
May 22

MY CEO THINKS I’M A ROBOT
Starring: Angela Muji, Carlo Aquino
Director: Gino M. Santos
May 29

US, MAYBE
Starring: Rabin Angeles, Angela Muji
Director: Crisanto B. Aquino
June 5

Matapos nilang mapukaw ang puso ng mga manonood sa Wattpad series adaptation ng Seducing Drake Palma, at mas nakilala bilang Viva’s fast-rising love team sa kanilang big-screen movie na A Werewolf Boy nitong January, sina Rabin Angeles at Angela Muji, o “RabGel” kung tawagin, ay ang mga bagong bibida sa anthology na Viva One Originals: RabGel. Ang unang episode ay mapapanood na sa May 15.

Ipapamalas nila ang kakayahang gumanap sa iba’t-ibang genre habang inilalabas ang iba’t-ibang emosyon. Binubuo ito ng apat na standalone episodes na magpapakita ng lakas ng kanilang tambalan at indibidwal na talento. Dalawang episodes ang magtatampok kina Rabin at Angela bilang magkapareha, habang ang dalawa pang episodes ay magkahiwalay na kwento kung saan haharap sila sa mga panibagong hamon sa labas ng kanilang tambalan.

Sa direksyon ng ilan sa mga hinahangaang direktor ngayon, kaabang-abang ang mga kwento na puno ng exciting at fun moments mula kina Rabin, Angela, at sa kanilang talented co-stars.

Sa episode na pinamagatang ‘Ang Rider Kong Hoodlum,’ sasabak ang RabGel sa matinding action-romance. Si Angela ay gaganap bilang Celine, isang regular na pasahero ng motorcycle taxi rider na si Marco (Rabin). Isang araw, masasaksihan ni Celine ang isang krimen at hihingi ng tulong kay Marco para makaligtas. Habang hinahanap sila ng mga kriminal, unti-unti rin silang mapapalapit sa isa’t-isa. Ngunit sa gitna ng kanilang pagtatago, lilitaw din ang mga tanong tungkol sa nakaraan ni Marco. Sa paggabay ni Direk Philip King (Elevator, Tenement), huwag palampasin ang mga umaatikabong eksena ng RabGel sa ‘Ang Rider Kong Hoodlum’ ngayong May 15.

Sa kwelang episode naman na ‘Same Day Error’ mula sa direksyon ni Rayn Brizuela. Makakasama ni Rabin ang actor-comedian na si Jerald Napoles sa isang magulong araw sa buhay ng isang wedding videography team. Si Marlon (Rabin) ay isang binatang sabik patunayan ang sarili sa industriya kasama ang nakatatanda at accident-prone na partner, si Onyok (Jerald). Haharapin nilang dalawa ang isang wedding na puno ng magugulong bisita, sira-sirang equipment, demanding na groom, at nerbiyosong bride. Sa kanilang pagtutulungan na mairaos ang okasyon, muli nilang matutuklasan ang passion sa kanilang ginagawa at ang tibay ng kanilang pagkakaibigan. Laugh out loud na sa ‘Same Day Error’ ngayong May 22.

Sa ‘My CEO Thinks I’m a Robot,’ makakapareha ni Angela ang batikang aktor na si Carlo Aquino sa isang kakaibang romcom mula kay Direk Gino Santos. Si Angela ay gaganap na Aiko, isang matalinong AI developer sa Labyu Tech na papayag magpanggap na robot kapalit ng pera. Siya ay maa-assign kay Ernest, ang kanyang crush at ang mailap na CEO ng kumpanya na may dinadalang bigat mula sa nakaraan. Unti-unting makakahanap ng katuwang si Ernest sa inaakalang robot, hanggang sa magsisimulang magkaroon sila ng kumplikadong damdamin para sa isa’t-isa. Maaari bang umusbong ang isang pag-ibig mula sa kasinungalingan? At ano ang mangyayari kapag tuluyang nabunyag ang katotohanan? Alamin ang sagot sa ‘My CEO Thinks I’m a Robot’ ngayong May 29.

At para makumpleto ang mga kwento. muling idi-direk ng Seducing Drake Palma director na si Crisanto Aquino ang RabGel sa ‘Us, Maybe.’ Ang romantic episode ay tungkol kay Tala (Angela), isang sikat na influencer na magiging “cancelled” matapos mabiktima ng mga edited screenshots at clips. Sa isang magulong fan meet, sasagipin siya ni Michael (Rabin), isang bagong videographer na may pagka-bargas pero may malambot na puso sa kanyang mga minamahal. Dahil sa malalang backlash, magtatago si Tala sa bahay ni Michael sa probinsya, kung saan lalalim ang kanilang ugnayan. Magtatagumpay nga ba ang kanilang umuusbong na relasyon sa gitna ng lahat ng problema? Makakasama ng RabGel sa episode si Patrick Reyes bilang si Jace, isang lalaki mula sa nakaraan ni Tala. Pakatutukan ‘yan sa ‘Us, Maybe’ ngayong June 5.

Sa bawat episode, iba’t ibang emosyon ang mangingibabaw, at sa kanilang bawat pagganap, handang patunayan nina Rabin at Angela na marami silang kayang gawin bilang mga artista.

Apat na kwento sa loob ng apat na linggo, kasama ang isang minamahal na love team. Viva One Originals: RabGel – dapat abangan, hindi lamang ng kanilang loyal fans, kundi lahat ng uri ng manonood. Ngayong May 15 na sa Viva One, na may bagong episode kada linggo.

I-stream ang seryeng ito sa mobile app o sa www.vivaone.ph. Mag-download na ng app at mag-subscribe sa App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.

Para sa the best of Filipino entertainment, punta na sa vivaone.ph.