Advertisers
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules ang isang online media network personality matapos umanong tangkaing kikilan ng P300 million si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, kapalit ng di paglalabas ng umano ay mga video na magsasangkot sa kanya sa mga anomalya sa flood control.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang inaresto ay kinilalang si Franco Mabanta, na dinakip matapos umanong tumanggap ng P300 million na boodle money.
Diumano, ang demand ni Mabanta ay kapalit ng di paglalabas ng mga video na mag-uugnay kay Romualdez sa naturang iskandalo ng flood control.
Ang pag-release ng video ay gagawin umano kapag di nagbayad si Romualdez, sa pamamagitan ng Peanut Gallery Media Network kung saan si Mabanta ang founder.
Mariin namang itinanggi ni Mabanta ang alegasyon at aniya, ito ay isa lamang set-up.
Samantala, sinabi ni Matibag na sasampahan si Mabanta ng kasong robbery by extortion in relation to violations of the Cybercrime Prevention Act. (JERRY TAN)