Advertisers

Advertisers

JENNYLYN NAGBENTA NG SASAKYAN DAHIL SA MAHAL NG GASOLINA

0 5

Advertisers

Ni Beth Gelena

Pagbubulgar ni Jennylyn Mercado sa isang panayam, nagbenta raw silang mag-asawa (Dennis Trillo) ng carlalo dahil sa mahal ng gasolina.

Ayon sa celebrity mom, “Nagbenta po kami ng sasakyan. Kasi ayaw namin gamitin dahil sa sobrang mahal ng gasolina. Because imagine, ‘yung sasakyan na ‘yun, P10,000 per full tank?”

Inamin din ng aktres, bukod sa tumataas na gastusin,nangangamba rin daw siya para sa kinabukasan ng kanilang mga anak dahil sa mga kinakaharap na isyu ng bansa sa kasalukuyan.

“Siyempre [may takot]. Dahil sila ‘yung haharap sa future, ‘di ba? Gusto natin ng matino at maayos na mga leaders ng bansa para sa future, sa mga kabataan,” sambit pa niya

Kaya nga ba binabalak na nilang manirahan sa Amerika kung saan may nabili na silang bahay doon?

Pakli ni Jen, “Ay, hindi pa naman. Mas masaya dito sa Pilipinas..”

Dugtong pa niya, “Mas masarap pa rin dito, iba pa rin pag kaharap mo ang mga Pilipino, kasama mo sila.”

Matatandaang kabilang si Dennis sa mga celebrity na naunang nagpahayag ng pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kasabay ng tensyon sa Middle East.

Samantala, dahil mageeleksyon na sa 2028, may posible bang mag-endorso ng kandidato sa 2028 elections?

Bukas naman daw siya, basta naniniwala siya sa pagkatao at kakayahan ng mga pulitikong tatakbo.

“Depende kung talagang pinaniniwalaan ko. May ilan-ilan pa rin naman na kapani-paniwala,” aniya.