Advertisers
Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na itinalaga bilang bagong undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating Iloilo City Jed Patrick Mabilog.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pangalan ni Mabilog noong administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte matapos itong maiugnay umano sa illegal na droga.
Dahil dito, nagbitiw siya noon bilang alkalde ng Iloilo City at pansamantalang nanirahan sa ibang bansa.
Ayon sa Palasyo, bahagi ng bagong tungkulin ni Mabilog ang pagtulong sa pagpapatupad ng mga programa at reporma ng DILG para sa mga lokal na pamahalaan sa bansa. (Gilbert Perdez)