Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DAHIL sa init ng panahon, at ipinatutupad pa ng Meralco ang rotational brownout,kaya nagrereklamo si Jessa Zaragoza.
Post ni Jessa sa kanyang FB account,”So confirmed na ba na araw araw na talaga mamamatay ang kuryente natin sa ating mga tahanan??! Rotational brownout ng Meralco.
“Hanggang kailan?! Kung kailannI napaka sukdulan ng init ang panahon. Hay…,” dismayado pang say ng mahusay na singer.
Ngayong Mayo ay nakakaranas ng matinding init ng panahon ang buong bansa kung saan pumapalo na nga sa danger level ang heat index. Itinuturo rin itong dahilan kung bakit isa-isang nagkakaroon umano ng pagkasira ang mga power plants na pinagkukunan ng Meralco ng supply ng kuryente.
Naka-relate naman kay Jessa ang mga netizen sa kanyang post dahil sila rin ay apektado ng scheduled brownout sa buong bansa upang hindi umano magkulang ang supply ng kuryente.
Ilan pa nga sa kanila ay tila kinantahan na lang siya upang mabawasan ang init ng ulo nito.
“Parang di mo na po kaya, Ms. Jessa? Thinking of Jayda right now ngayong brownout.”
“Dibat ikaw ang siyang nagmulat sa aking mga mata Dibat ikaw ang nagbigay sa akin nang saya (KURYENTI).”
“Kaya nga po eh. Sinong aking tatawagin? Sinong aking hahanapin?”
O di ba,yung lyrics ng kanta ni Jessa na Bakit Pa ay kinonek sa brownout?
***
Hiniwalayan na pala si beauty-queen turned actress ng kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi dahil madalas silang nag-aaway o hindi nagkakasundo. Actually, madalang nga lang silang mag-away.
Ang dahilan hindi na ma-take ng huli ang kahihiyang ibinibigay sa kanya ng una.
Ayon sa aming reliable source,kapag dumadalo raw sa mga okasyon si beauty queen kasama ang boyfriend at nakikipag-inuman, ay nawawala raw ito sa kanyang sarili.
Umuupo raw ito sa sahig at dun umano umiihi.Lagi raw ganun si beauty queen.
Dahil nga rito,sa kahihiyang ibinibigay sa kanyang boyfriend, kaya hiniwalayan na siya nito.