Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sumalang sa fast talk questions ang Kapamilya actress na si Jane Oineza hinggil sa estado ng relasyon nila ng dyowang si RK Bagatsing.
Ani Jane, pareho raw niyang pipiliin ang love at career kung mapagsasabay niya ito.
Bet din daw niya ang yakap at halik ng kanyang nobyo.
Aminado rin siyang madalas nilang gawin ng boyfie ay ang mag-loving-loving.
Hindi rin niya ikinaila na tulad ng ibang showbiz couples ay nag-aaway din sila.
Miscommunication daw ang madalas na dahilan ng pag-aaway nila.
Gayunpaman, at the end of the day, pinipili pa rin daw nila ang isa’t-isa.
Hirit pa niya, pareho rin daw silang seloso ni RK pero nasa lugar daw naman ang kanilang pagseselos.
Pagdating daw naman sa trabaho, very professional sila kaya naiintindihan nila kung may ibang ipinapareha sa kanila.
Tungkol naman sa pagpapakasal, inamin din niya na napag-uusapan na nila ang tungkol sa bagay na ito.
Katunayan, madalas daw ay may mga nang-uurot sa kanila ng aktor kung kailan sila patatali sa isa’t-isa.
Naiiintindihan daw naman niya ito dahil aware raw ang madlang pipol na nasa relasyon siya.
Pero, ayaw daw nilang magpa-pressure sa mga tao.
Sa naturang tsikahan, inamin din niya na na-stalk na siya ng isang fan.
Never pa raw namang dumating sa puntong may nakaaway na siyang artista.
Bet din daw niya ang loyal partner kahit pa seloso.
Siya rin daw ang tipo ng babaeng nangingibabaw ang utak kesa puso.
Pareho rin daw niyang hinahanap sa karelasyon ang financially stable at emotionally mature.
Si Jane ay balik-teleserye sa “Love Is Never Gone” kung saan ginagampanan niya ang papel ng ex ni Joshua Garcia.
Isa rin siya sa mga bida sa pelikulang “Midnight Girls” kung saan co-stars niya sina Jodi Sta.Maria, Sanya Lopez at Loisa Andalio.