Advertisers

Advertisers

Tanong ng katangahan, at tanong na nagdiin pa sa akusado

0 4

Advertisers

PINAGTATAWANAN ngayon ng netizens ang naging katanungan nina Senator-Judges Robin Padilla at Alan Peter Cayetano sa testigo ng prosecutors sa ongoing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Tinanong ni Padilla ang testigong NBI agent na si JM Calilung tungkol sa video ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte-Carpio kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pinagdiinan ni Padilla kung orihinal ba ang video na iniharap ni Calilung sa impeachment trial, kung certifide true copy ba ito, at kung nakausap ba nito si VP Sara.

Obkors ang sagot ni Calilung, isang beteranong imbestigador ng NBI na nagtapos ng CPA at dumaan sa maraming pagsasanay, hindi niya nakausap ang tao (VP Sara), hindi niya ito kuha, at ito’y napanood ng madla. Mapapanod nga kita sa FB account ni aklang Harry Roque eh. Hehehe…

Ang video kasi ay ginawa ni VP Sara ng naka-live sa zoom. Walang nagbi-video at walang nag-post. Ang lahat ay gawa lang ni Sara.

Naupos si Padilla.

Si Cayetano naman tinanong si Calilung kung dapat bang katakutan ang banta ni VP Sara kina PBBM, FL Liza at ex-Spkr. Romualdez?

Sagot ni Calilung: Ang pagbabanta ay absolute.

Lupaypay si Cayetano. Lalo lang niyang idiniin ang anak ng kanyang Tatay Digong. Hehehe…

Para lang din ng kaso ni Senator Rodante Marcoleta, na siya mismo ang nagbigay ng ebidensiya sa mga kalaban para makulong siya.

Si Marcoleta, na ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay “lowly” lawyer, ay nakakulong ngayon sa kasong Plunder dahil sa P75 million campaign donations na hindi niya inilagay sa kanyang SALN at SOCE last election.

Noong iniimbestigahan siya tungkol sa P75m campaign donations, sinabi niyang kaya hindi niya ito inilagay sa kanyang SOCE at SALN ay dahil ayaw ng kanyang donors malantad sa publiko. At ipinagdiinan niyang ibinigay ito sa kanya hindi pa siya nakapag-file ng kanyang candidacy sa pagka-senador, congressman palang daw siya.

Dahil sa kanyang kayabangan at kadaldalan, nakalimutan niyang ipinagbabawal ng batas ang isang government official tumanggap ng anumang regalo dahil ugat ito ng korapsyon. At dahil sa laki ng kanyang natanggap na itinagong donasyon, swak siya sa plunder.

Pero hindi pa naman talaga naka-selda si Marcoleta, naka-hospital arrest siya dahil naglabasan ang kanyang mga sakit. 72 anyos narin kasi ang senador.

Mabuti pa si Senator-Judge Lito Lapid tahimik lang sa isang tabi habang nagbabalitaktakan ang mga abogado ng magkabilang panig. Ayaw niya raw magsalita kasi wala namang maniniwala sa kanya dahil wala naman daw siyang alam sa batas. Boboto nalang daw siya ng ayon sa kanyang konsensiya. Tama!

No talk, no mistake!