Advertisers

Advertisers

WALANG HABAS NA PAGTAAS NG PRESYO NG GAS, KURYENTE, BUBUSISIIN NI SEN. ERWIN

0 2

Advertisers

Sa pagpapatuloy ng sesyon sa Senado matapos ang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 27, tinitiyak ni Senator Erwin Tulfo ang pagpapatawag ng pagdinig ng Senate Committee on Energy na kanyang pinamumunuan.

Ibinunyag niya sa ginanap na ‘MACHRA Balitaan’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant na nakatali pala ang kamay ng Department of Energy (DOE) laban sa mga higanteng kompanyang nagbebenta ng langis sa bansa.

Sa madaling sabi, malaya ang mga kompanyang ito na magdikta ng presyo ng gasolina, kerosene at diesel nang walang sisita maski pa mula sa gobyerno.

Kaya naman, puna ni Sen. Tulfo, walang habas ang pagtataas ng presyo ng mga nasabing kompanya. Kung magtataas ng P100, magro-rollback ng piso. Patuloy ang taas ng presyo kahit sa ibang dako ng mundo, hindi naman ganoon.

Anang Senador, panahon na para silipin, busisiin at baguhin ang sistemang dala ng umiiral na Oil Deregulation Law dahil ang batas na ito ay malinaw umanong hindi pro-consumer at bagkus ay pro-business lamang.

Bawal magtanong ang gobyerno, bawal alamin ukol sa tubo at ni hindi rin pupuwedeng magdikta kung magkano lamang ang dapat na presyo, di gaya ng Department of Trade and Industry na maaring maglabas ng suggested retail price o price cap ng mga produkto sa merkado.

Wala umanong ‘safety nets’ at guidelines na umiiral sa pagpe-presyo ng gasolina kaya kung gaano ang bilis ng taas ng presyo ay siya namang bagal pagdating sa rollback.

Gayundin, balak ni Sen. Tulfo na busisiin ang batas na sumasakop sa power generating companies gaya ng Meralco.

Paano ba sila nagco-compute ng dapat bayaran ng mga tao?

Gaya ng mga oil companies, libre din umano ang mga nagsu-supply ng kuryente na magdikta ng presyo nang walang kontrol mula sa pamahalaan.

Sa mga planong ito ni Senador Tulfo, tiyak na maaayos na ang napakaraming butas sa sistema ng presyuhan sa gasolina at kuryente.

Lahat ng mamamayan ay matutuwa at makikinabang sa mga planong ito ni Senator Tulfo. Sana lahat ng mambabatas ay gaya niya na ang inuuna parati ay kapakanan ng mga kababayan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.