Advertisers

Advertisers

Walang wise lawyer sa solidong ebidensya

0 3

Advertisers

SA unang dalawang araw ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio nakikita na ang husay ng mga abogado sa paglilitis. Talagang mga bihasa sa pagtuwid at pagbaluktot ng batas. Kaya palakpakan ang suporters ng kani-kanilang mga ipinagtatanggol.
Ang mga eksperto din sa batas na nakasubaybay, kanya-kanyang bigay ng opinyon, pagpuri at pagpuna sa mga nagtatagisan sa batas na mga abogado ng prosecutors at depensa.
Para sa akin, walang magaling na abogado sa matibay na ebidensiya.
Sa korte, ang panalo ay ang naglalatag ng mga solidong ebidensiya na pinagtitibay pa ng mga testigo.
Ang abogado na object nang object ay nag-aaksaya lang ng oras, may masabi lang. Hindi naman kasi puede na tumunganga lang sila roon habang naglalalag ng ebidensiya ang prosecutors. Mababato sila ng laptap ng kanilang ipinagtatanggol. Hehe…
Subaybayan ang ikatlong araw ng trial. Baka dito na may bloodbath!!!
***
Copy paste ko lang itong post ng JIL Review TV. May sense ito:
HINILING ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na magpalabas ng subpoena upang papagharapin bilang testigo si Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Vice President Sara Z. Duterte, sa impeachment trial.
Ayon sa prosekusyon, ang kanyang testimonya ay “mahalaga, may kaugnayan, at kinakailangan” upang mapatunayan ang Article IV ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa alegasyong nagbanta ang Bise Presidente laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa kanilang mosyon na inihain nitong Martes para sa isang subpoena ad testificandum, sinabi ng prosekusyon na kailangan ang testimonya ni Lopez hindi lamang upang patunayan ang mga alegasyon sa Article IV kundi upang matukoy at mapatunayan din ang pagiging tunay ng mga dokumento at iba pang ebidensyang ihaharap sa impeachment court.
Hiniling din nilang siya ay humarap sa mga pagdinig sa Hulyo 13, 14, at 15.
Sa hakbang na ito, inilalagay ng prosekusyon ang isa sa pinakamalalapit na aide ng Bise Presidente sa sentro ng kanilang paglalahad ng ebidensya kaugnay ng kasong grave threats. Bilang chief of staff ng Office of the Vice President, inaasahang makapagbibigay si Lopez ng direktang kaalaman tungkol sa mga pangyayaring nakapalibot sa mga pahayag na umano’y naglalaman ng pagbabanta.
Layunin ng prosekusyon na gamitin ang kanyang testimonya upang maipakita ang konteksto ng mga pahayag ni Duterte at mapagtibay ang iba pang dokumentaryo, digital, at testimonial na ebidensya na sumusuporta sa kanilang paninindigang ang mga ito ay seryosong banta at hindi lamang karaniwang pahayag sa pulitika.
Ipinapakita rin ng kahilingan para sa subpoena na nakatuon ang prosekusyon sa paggamit ng mga testigong may direktang kaalaman sa mga pangyayari sa loob ng Office of the Vice President.
Kapag pinaboran ng impeachment court ang kahilingan, si Lopez ay magiging isa sa mga pangunahing testigo ng prosekusyon sa pagsisimula ng pagdinig sa Article IV sa susunod na linggo. – JIL Review TV
Ang tanong: Haharap naman kaya sa trial ang “dyowa”  ni Sara? Wish ko lang!