Advertisers
By Anne Venancio
Hindi napigilan ni Belle Mariano na maging emosyonal habang binabalikan ang pitong taong makulay na paglalakbay nila ni Donny Pangilinan bilang isa sa pinakasikat na love teams sa bansa, ang DonBelle.
Sa isang video na ibinahagi sa social media, nagpasalamat si Belle sa lahat ng naging bahagi ng kanilang tagumpay. “Seven years… it holds countless memories, lessons and moments that changed our lives forever,” ani Belle habang ipinapakita ang ilan sa kanilang mga unang proyekto.
Nagbigay rin siya ng espesyal na mensahe para kay Donny, na tinatawag niyang “Nato.” “Thank you for being my partner through every chapter of these seven years… my constant teammate, my confidant, my partner in every sense of the word,” aniya.
Bagama’t pinili na nilang tahakin ang kani-kanilang landas bilang solo artists, nilinaw ni Belle na hindi ito tuluyang pamamaalam. “This is not a goodbye. It’s simply a ‘see you later.’ I will always be your biggest cheerleader,” saad niya.
Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktres ang kanilang loyal fans na Bubblies. “You didn’t just support the love team. You became a home. You became a family. Thank you for staying,” emosyonal niyang pahayag.
Umaasa si Belle na patuloy na susuportahan ng publiko ang kanilang bagong yugto bilang mga indibidwal na artista. Para sa kanya, hindi nagtatapos ang kuwento ng DonBelle. “DonBelle is not a story about an ending, it’s a story about growth.” Sa huli, nagpasalamat siya sa lahat ng nagmahal sa kanila. “We love you always. Hanggang sa wakas.”