Advertisers
By Anne Venancio
Inamin ni Ellen Adarna na naranasan niyang mom-body criticism matapos siyang manganak.
Sa latest vlog ni Alex Gonzaga, kung saan panauhin sina Ellen at Arci Muñoz, ikinuwento ng aktres ang masasakit na komentong natanggap niya noon habang nagbibigay ng payo kay Mikee Morada.
Ani Ellen, “Hoy, Mikee, ha ‘pag nanganak na si Alex, ‘wag mong sabihang losyang na siya ha. Ako napagsabihan na akong losyang.”
Nagulat si Alex at agad na nagtanong, “Ba’t ka naman nasabihan na losyang, ano bang itsura mo?” Sagot naman ni Arci, “Ganon ang mga narcissist, ida-down ka nila.”
Ibinahagi rin ni Ellen ang ilan sa mga natanggap niyang komento. “Losyang na raw ako, ‘wala na raw papatol sa akin kasi ang lawlaw na raw ng ano ko, tapos losyang na raw,” aniya.
Sa kabila ng mga naging puna, masaya ngayon si Ellen sa kanyang buhay bilang ina nina Elias at Liana. Si Elias ay anak niya kay John Lloyd Cruz, habang si Liana naman ay anak nila ng asawa niyang si Derek Ramsay.