Advertisers
HABANG nakatutok ang sambayanan sa sarsuela sa senado dahil sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na wanted na ng International Criminal Court (ICC) ay sinasamantala naman ng mga tusong financier ng ilegal na sugalan/shabuhan na lalong palakasin ang kanilang labag sa batas na operasyon sa lalawigan ni Rizal Gov. Nina Ricci A. Ynares.

Kung dati ay 30 pa lamang ang mga naghambalang na lamesa ng color games, sakla at drop ball sa P. Oliveros Street ni Mang Bert, malapit sa Antipolo Cathedral sa siyudad ni Mayor Casimiro “Jun-Jun” Ynares III at sa C6 Floodgates Bypass Road ni Dodie Bakla sa bayan ni Taytay Mayor Allan Martine S. De Leon ay biglang lomobo sa 50 lamesa na ang ilegal na table at card games sa Rizal.
Reklamo ng mga mamamayan sa Rizal, hindi lamang sa Antipolo City at Taytay talamak ang operasyon ng puesto pijo o permanenteng pasugalan, kundi maging sa bayan ni Montalban (Rodriguez) Mayor Ronnie S. Evangelista.
Grabeng garapal ang isang alyas Nesty na kilalang “Pergalan at Drug Queen” ng Bulacan pagkat dumayo pa ito sa Montalban at ultimong malapit sa Binangonan (Rodriguez) Municipal Hall ay nakapaglatag ito ng may 25 lamesa ng color games, pimpong (pula-puti), sakla, cara y cruz (tao-ibon) at drop balls.
Maliban sa mga ilegal na pasugal ni Nesty ay may 25 na lamesa din na puesto pijo o permanenteng gambling joint si Tomboy sa Brgy. Pag-asa, Binangonan na tila balewala at hindi ipinatitinag nina Mayor Evangelista at Lt. Col. Santos. Paano kaya nakakalusot ito sa pang-amoy nina Mayor Evangelista at Montalban Police Chief LtCol. Evangeline P. Santos?
Talamak din sa Antipolo City at sa 13 bayan ng Rizal ang operasyon ng Lotteng at 2D ni alyas Zola at Peryahan ng Bayan (PnB) bookies ng isang alyas John Yap na atin ding tatalakayin.
Sa kanyang pagbisita sa Montalban noong April 30, 2026, sinabi ni PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Hansel Marantan na ang seguridad at katahimikan ay mahalaga sa pagpapaunlad ng industriya ng Turismo sa Rizal Province. Aniya lalong mahihikayat ang mga turista na bumisita sa lalawigan sa pamamagitan ng malakas at maayos na ugnayan ng local government unit at ng Philippine National Police (PNP).
Inilunsad naman nina Gov. Ynares, Rep. Tanjuatco at Rep. Mia Ynares ang proyektong “Pasyal sa Rizal 2026 Tourism and Trade Fair” na itinaguyod din ng BDTP, SARAP Inc. at REMAI (Rizal Exporters and Manufacturers Association, Inc) upang lalo pang palakasin ang Tourism Industry ng Rizal.
Ngunit kung ang bubulaga naman ay ang mga ilegal na pasugalan na may shabuhan tulad ng nasa P. Oliveros Street, malapit sa Antipolo Cathedral, Antipolo City, sa malapit sa Montalban Municipal Hall at Brgy. Pag-asa sa bayan ng Montalban at sa C6 Floodgates Bypass Road, sa bayan ng Taytay, ay malabong dumagsa sa Rizal ang mga lokal at banyagang mga turista. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144