Advertisers

Advertisers

Hon. Ch. Arnold R.Arenas, makatao at maka-Diyos sa paglilingkod sa Brgy. 35 ng Caloocan

0 3

Advertisers

Halos 13 years naging kagawad ang butihing Kap. Arnold R. Arenas sa Barangay 35 ng Caloocan.

Sa tagal ng kanyang panunungkulan bilang kagawad marami na siyang naitanim na mga kabutihan sa kanilang komunidad hanggang sa napusuan siya ng kanyang mga kabarangay na iluklok bilang “Ama” ng nasabing Distrito.



Sa loob ng 2 taon sa kanyang paninilbihan, agad niyang inasikaso ang Peace & Order sa kanilang lugar.  At 24/7 ang kanyang mga tanod sa pagroronda sa bawat kalye at hindi lamang ‘yan, upang masiguro o matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay both ends naglagay siya ng mga CCTV at nagtayo din siya ng mga outpost para mabantayan ang kaayusan nito.

Pinagsikapan din ng masipag na kapitan Arenas na magkaroon sila ng firetrucks at ambulance para sa emergency cases. At may bagong nabiling mga fire extinguishers para sa dagliang pag-apula ng apoy.



Sa Clean & Green naman meron silang “HAPAG” na sinimulan ng DILG para sa tinatawag na Green Revolution na siyang Proyekto ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na nakatulong sa kalusugan.

Sadyang makatao at maka-Diyos si Kap.Arnold R. Arenas dahil sa bawa’t kanyang proyekto ang Diyos ang kanyang haligi at sandalan upang makatulong sa kanyang mga kadistrito.



Sa katunayan, magugulat ka sa kanyang barangay halos lahat libre tulad ng pagkuha ng mga clearances, business permits, nay libreng gamot sa kanilang botika sa barangay at hindi lang ‘yan, may libreng kapihan din sila tuwing Linggo, libreng juice at miryenda.

“Lahat po gagawin ko para sa kabutihan ng aking mga kabarangay sa abot ng aking makakaya! Lahat po,  ipagkakaloob ko sa kanila tulad ng financial assistance o support at mga iba pang kapakinabangan dahil pera po ng gobyerno ‘yan at ibinabalik ko lamang sa kanila,” ayon kay Kap. Arenas.

“Sa aming barangay 35 po bawal ang pahinga, ang aming barangay bukas 24/7 para sa patuloy na pagsilbi sa kanilang mga pangangailangan. At halos wala pong pahinga kami ng aking mga staff. Bawal magpahinga!,” wika pa ni Arenas.

Nabigyan ang Barangay 35 ng award bilang ‘Most Outstanding Barangay’ sa ilalim ng pamanahala ni Kap. Arenas.

“Patuloy din po ako sumusuporta sa mga iba’t-ibang proyekto ng aming mahal na Mayor Along Malapitan para sa ikauunlad ng aming bayan!”

“Asahan po ng aking mga kabarangay na ipagpatuloy ko ang kaayusan, seguridad at pagbabago sa aming komunidad. Angat Brgy. 35!,” dagdag pa ni Kap. Arnold Reyes Arenas. (L. Pangilinan)