Advertisers
Sumikat ang katagang iyan nang magkaroon ng kaguluhang sa Senado noong nakaraang linggo, matapos muling nagpakita si Senador Bato Dela Rosa.
Nabanggit ng isang senadora ang katagang iyan sa kanyang privilege speech para talakayin ang nasabing kaguluhan dahil nga sa muling pagsulpot ni Bato.
Parang nangungutya pa ang senadora habang may paiyak-iyak pa na wala namang luha, nang sabihin niyang wala raw nangumusta sa kanilang mga kalagayan nang magkaroon ng gulo sa kanilang lugar, ihalimbawa na natin, sa kanilang teritoryo sa Senado.
Tila ginagawa na tayong mga tanga ng mga ito. Ibinoto niyo pa kasi. Bakit ko nasabi? Ito kasing ating mga Senador, di ko naman nilalahat, ay parang pinaglalaruan na lamang tayo.
Sila pa ang naghanap na makumusta ang mga kalagayan sa gitna raw ng panganib, na sila rin ang may gawa, noong mga araw na iyon.
Tayo ba ay kinumusta nila? Ang sabi nga ng iba nating kababayan.
Kinumusta ba nila tayo habang araw-araw na binabalikat ang kahirapan. Kinumusta ba nila ang ating kalagayan sa araw-araw nating pagpila sa mga LRT at MRT station para makapasok sa trabaho? Kinumusta ba tayo, kung hirap na hirap tayong maglapag ng kakainin sa ating mga lamesa, dahil sa taas ng bilihin?
Samantalang, sila ay nakakapunta sa kanilang trabaho sakay ng air-conditioned magarang mga sasakyan at di natratrapik dahil may mga tagahawi sa kalsada. Kumakain sa oras, ng masasarap na pagkain at maaari ngang anim o’ walong beses pa sa isang araw sila kumakain.
Tayong mga kumakalam ang sikmura, ay naisip kaya nila? Tayong mga nagsisikap buhayin ang pamilya sa pababanat ng buto at di PAGNANAKAW ay kinumusta ba nila?
Samantalang sila, na dapat ay nag-iisip at gumagawa ng paraan para gumaangaan naman ng kaunti ang ating mga buhay, ay WALANG GAWA KUNG DI ANG MAGPASIKAT AT MAGNAKAW.
Sana, maging aral sa atin ang kaguluhang naganap sa Senado, at sa susunod na eleksiyon ay huwag niyo nang iboto ang mga ogag na mga Senador.