Advertisers

Advertisers

HAPPINAY, pormal nang inilunsad ang unang “Classroom Glow Up” Project

0 22

Advertisers

Hindi maikakaila na malaking bahagi ng pagkatuto ng mga bata ang kanilang kapaligiran sa paaralan. Kapag maayos, maliwanag, at komportable ang silid-aralan, mas nagiging masigla rin ang kanilang pag-aaral.
Sa layuning makatulong sa paglikha ng mas magandang learning environment, inilunsad ng HAPPINAY ang kauna-unahang Classroom Glow Up Project sa Epifanio Delos Santos Elementary School.
Pinangunahan ni HAPPINAY President Ms. Pilar Herbalorio ang proyekto kasama ang mga volunteers at partner na tumulong upang mabigyan ng bagong anyo ang isang silid-aralan.
Layunin ng inisyatiba na gawing mas maayos, mas kaaya-aya, at mas student-friendly ang mga classroom para sa mga mag-aaral at guro.
Bilang bahagi ng proyekto, isinagawa ang iba’t1ibang pagpapabuti sa silid-aralan kabilang ang repainting, minor repairs, pag-aayos ng mga pasilidad, at iba pang upgrades upang maging mas komportable, mas maaliwalas, at mas angkop sa pagkatuto ang classroom.
Para kay Teacher Gail De Jesus, ang unang benepisyaryo ng proyekto, malaking tulong ang ganitong klaseng suporta para sa mga guro at estudyante. Bukod sa mas magandang itsura ng classroom, nagbibigay rin ito ng dagdag na inspirasyon sa mga batang araw-araw na pumapasok upang matuto.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Congressman Lenlen Oreta sa HAPPINAY sa pangunguna nito sa Classroom Glow Up Project.
Ayon sa kanya, malaking bagay ang mga ganitong inisyatiba dahil hindi lamang nito napapaganda ang mga pasilidad ng paaralan, kundi nakatutulong din sa paglikha ng mas maayos, ligtas, at mas inspirasyong kapaligiran para sa pag-aaral ng mga kabataan.
Binigyang-diin din ni Oreta ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga organisasyon, volunteers, at iba’t ibang sektor ng komunidad sa pagsuporta sa edukasyon at pagbibigay ng mas magandang oportunidad para sa mga mag-aaral.
Aniya, ang bawat hakbang tungo sa pagpapabuti ng mga paaralan, isang mahalagang ambag sa kinabukasan ng kabataan.
Naniniwala ang HAPPINAY na hindi kailangang maging malaki o komplikado ang isang proyekto upang makagawa ng positibong pagbabago. Minsan, ang simpleng pagbibigay ng mas maayos na espasyo para sa pag-aaral ay sapat na upang makapagbigay ng mas magandang karanasan sa mga estudyante.
Bilang unang model classroom ng programa, nagsisilbi itong halimbawa ng kung paano maaaring magtulungan ang komunidad, mga volunteer, at mga partner upang mapabuti ang mga pasilidad sa paaralan at masuportahan ang edukasyon ng kabataan.
Sa mga susunod na buwan, umaasa ang HAPPINAY na mas marami pang classroom ang mabibigyan ng parehong oportunidad. Dahil sa huli, ang bawat bata ay karapat-dapat magkaroon ng isang silid-aralan na hindi lamang maayos tingnan, kundi isang lugar na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang pagkatuto, pagkamalikhain, at pag-unlad.(R. Ang)