Advertisers

Advertisers

SPD HUMAHATAW SA SERYE NG OPERASYON LABAN SA ILEGAL NA DROGA, LOOSE FIREARMS AT WANTED PERSONS

0 4

Advertisers

NAGING matagumpay ang sunod-sunod na operasyon ng Southern Police District (SPD) laban sa ilegal na droga, loose firearms, at wanted persons sa Las Piñas, Taguig, Makati, Muntinlupa, at Parañaque.

Sa ulat ng pulisya sa Makati City, nasamsam ang mahigit P4.3 milyon halaga ng iba’t ibang ilegal na droga matapos maaresto ang isang drug suspect sa buy-bust operation.

Sa Las Piñas City, tatlong High-Value Individuals ang naaresto matapos makumpiskahan ng ?1.36 milyon halaga ng hinihinalang shabu. Nahuli rin sa lungsod ang ilang Most Wanted Persons na may kasong droga, robbery, child abuse, lascivious conduct, at iba pang kaso. Nakumpiska rin sa magkahiwalay na operasyon ang marijuana, baril, bala, at hinihinalang shabu.

Sa Taguig City, naaresto ang isang HVI matapos masamsam ang P358,360 halaga ng hinihinalang shabu. Nadakip din ang ilang Most Wanted Persons na may kasong robbery at iba pang seryosong kaso.

Sa Muntinlupa City, nahuli ang isang female HVI matapos makumpiskahan ng P711,200 halaga ng Kush. Arestado rin ang ilang Most Wanted Persons na may kasong droga at attempted murder.

Sa Parañaque City, naaresto ang suspek sa fatal stabbing incident sa hot pursuit operation. Nadakip din ang mga Most Wanted Persons na may kinahaharap na kaso sa ilalim ng umiiral na batas.

Ayon kay PBGEN Glenn Oliver C Cinco,District Director ng SPD, patuloy ang pinaigting na operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Ang mga operasyon ay isinagawa alinsunod sa direktiba ni NCRPO Regional Director PMGEN Anthony A Aberin, sa ilalim ng kanyang ABLE • ACTIVE • ALLIED policy guidelines para sa mas ligtas at maayos na Metro Manila. (JOJO SADIWA)