Advertisers

Advertisers

MAHIGIT 150 CROCODILE GOVERNMENT OFFICIAL PINOPROTEKTAHAN?

0 10

Advertisers

Tuluyang nang binusalan ng mga BUWAYANG GOVERNMENT OFFICIAL ang bibig ng CONTRACTOR na si CURLEE DISCAYA sa pamamagitan na ito ay ginawaran na ng warrant of arrest upang iharap sa MALOLOS, BULACAN REGIONAL TRIAL COURT mula sa kostudya ng SENADO.

Ang sistemang ito ay upang hindi na marinig pa hindi lamang ng buong mamamayang Pilipino kundi maging sa buong mundo na mayroon palang mahigit na 150 INFLUENTIAL GOVERNMENT OFFICIALS o mga WALANG KABUSUGANG MGA BUWAYA na lumalapang sa ating GOVERNMENT PROJECT FUNDS ang patuloy na PINOPROTEKSIYUNAN ng kanilang mga kaalyadong POLITICIAN.

Sa HINANAKIT ng CONTRACTOR na si CURLEE ay totoong nagamit sila ng mga taong may hawak ng kapangyarihan kaya humihingi ito ng tawad sa lahat ng mga taong nadismaya, nasaktan at nawalan ng tiwala dahil sa nangyari

Maaaring BIG FISH aniya ang tingin sa kanila subalit hindi umano sila ang mga BUWAYANG WALANG KABUSUGAN na matagal nang lumalamon o sumasagpang sa kaban ng bayan.

Si CURLEE DISCAYA na nakulong ng halos 9-buwan dahil na-contempt ito sa pagpupunto ng blue ribbon committee inquiry sa maanumalyang public works projects noong September 2025 ay dinala na kahapon ng madaling-araw sa MALOLOS, BULACAN REGIONAL TRIAL COURT.

“Wala kaming ghost projects. Wala kaming substandard na proyekto. Ang bawat kontratang ipinagkatiwala sa amin ay tinupad namin nang buo, ayon sa napagkasunduan, at may mga warranty at insurance bond na nagsisilbing garantiya upang hindi malugi ang gobyerno at ang mamamayan,” pahayag-hinanakit ni CURLEE na aniya ay isang tanong ang patuloy na sumisigaw sa kaniyang isipan.., na kung sa 17 pa lamang na pangalang kaniyang nabanggit ay agad siyang binusalan at pinagkaitan ng kalayaan sa loob ng siyam na buwan ay paano pa aasahang magsasalita ito tungkol sa mahigit 150 pang makapangyarihang taong sangkot sa sistemang matagal nang pinoprotektahan?

Sa sama ng loob ni CURLEE ay gusto nitong ipagsigawan sa mga GOVERNMENT OFFICIAL ang mga katagang.., “sana noon pa lamang ay sinabi na ninyo na ayaw ninyo ng katotohanan. Sana noon pa lamang ay inamin ninyo na mas mahalaga ang protektahan ang makapangyarihan kaysa pakinggan ang katotohanan. Dahil kung alam ko lamang na ganito ang magiging kapalit, hindi ko na sana inilagay sa panganib ang aking sarili at ang aking pamilya.”

Naipunto rin nito na maaaring nakulong nila ang kaniyang katawan o maaaring napatahinik nila ang kaniyang tinig sa loob ng ilang panahon.., subalit hindi aniya nila kailanman makukulong ang katotohanan dahil ang katotohanan ay parang liwanag na maaari itong takpan sandali, ngunit hindi ito kayang patayin ng dilim magpakailanman.., darating ang araw na ang mga binusalan ngayon ay maririnig at ang mga nagtago sa likod ng kapangyarihan ay haharap sa hatol ng kasaysayan at ng sambayanan!

Malaking kuwestiyonable nga naman ang ginawang pagtigil sa pag-uungkat at pagdedetalye sa mga kurapsiyong kinapalooban ni CURLEE at ng kaniyang ASAWANG si SARAH DISCAYA sa tinatawag na “HEARING IN AID OF LEGISLATION”.., dahil inagapan pala na huwag nang mabunyag ang mga MAIIMPLUWENSIYANG CORRUPT OFFICIAL sa ating GOVERNMENT.

PAGING PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., kung sinsero ang kampanya mo laban sa KURAPSIYON ay dapat po ninyong alamin sa mga CONTRACTOR ang detalye sa mga CORRUPT OFFICIALS at huwag gawing SACRIFICIAL LAMB ang mga CONTRACTOR. Ang tunay na CORRUPT ay mga GOVERNMENT OFFICIAL dahil sila ang mga may authority sa bawat proyektong pambayan.

Panagutin ang lahat ng CORRUPT OFFICIAL.., ilantad ang mahigit sa 150 CORRUPT OFFICIALS na nasa LOGBOOK ng mag-asawang DISCAYA, kesehodang kamag-anak pa ni PRES. BONGBONG o kapamilya ng mga DUTERTE para sa TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY sa panunungkulan sa ating gobyerno!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.