Advertisers

Advertisers

KELOT TIKLO SA BARIL AT GRANADA, NABUKING NA HOLDAPER SA TAGUIG

0 8

Advertisers

ISANG wanted na lalaki na responsable sa pagnanakaw ang nakalaboso matapos matuklasan ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang isang baril at isang granada sa kanyang pag-iingat sa isinagawang operasyon sa Taguig City noong Hunyo 6, 2026.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “JUSTINE”, 26, residente ng Barangay Pembo, Taguig City. Bukod sa pagharap sa mga kasong Paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Republic Act 9516 (Illegal Possession of Explosive), siya ay napag-alamang may natitirang Warrant of Arrest para sa Robbery Hold-Up na inisyu noong Mayo 28, 2026 ni Hon. Joseph Jerry Bonifacio Bañares Jr., Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 195, Parañaque City, na may inirerekomendang piyansa na Php100,000.00.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Julius C Añonuevo , Chief of Police, nagsagawa ang mga operatiba ng malawakang operasyon sa pag-casing, pagsubaybay, at pagmamatyag na humantong sa pagkilala at lokasyon ng suspek.

Sa ulat, nakarating sa kaalaman ng pulisya ang pinagtataguanng suspek sa Impounding Compound sa Barangay West Rembo habang lantaran na humahawak at nag-iinspeksyon ng kanyang baril.

Nang lapitan at ipakilala ang kanilang sarili bilang mga opisyal ng pulisya, hiniling ng mga operatiba sa suspek na ipakita ang mga kinakailangang dokumento na nagpapahintulot sa kanya na magmay-ari at magdala ng baril subalit wala itong naiprisinta,na nagdulot ng agarang pag-aresto sa kanya.

Bukod sa isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala, narekober din ang isang granada, at isang shoulder bag na ginamit sa pagtatago ng pampasabog.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Taguig City Police Station para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso at karagdagang legal na proseso.

Pinuri ni PBGEN Glenn Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga arresting officers para sa kanilang pagbabantay na nagresulta sa pag-aresto sa isang wanted na kriminal. (JOJO SADIWA)