Advertisers
Ni Beth Gelena
Kwela ang tsikahan nina Kim Chiu at ang Chinese actress na si Linda Walker sa noontime show ng Kapamya, kahapon.
Si Kim ang naging spokesperson ng grupo nang kinakapanayam na ng mga host sa kilalang Chinese actress na si Zhang Yingfei.
Eksaktong kaarawan ni Walker ang araw na yun, kaya kinantahan siya ni Kim ng “Happy Birthday” sa wikang Chinese (Mandarin), na ikinatuwa ng mga host at ng audience.
Nakipagkulitan dinsi Linda sa mga host, kabilang na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Kim Chiu.
Game din siyang nakipagsayaw ng sa Baby Dolls.
Hindi lang yun, may something in common pala si Kim at Walker, pareho silang bungisngis.
Si Zhang Yingfei ay kasalukuyang nasa Pilipinas para sa ilang aktibidad at naging usap-usapan sa social media dahil sa kanyang pagbisita sa bansa.
Si Linda ang viral na melodrama nf Chinese na THE HEIRESS WHO WON WITH BRAINS.
Ang nakaka-sad lang sa eksaktong pagbisita ni Linda ay sumalubong sa kanya ang balita na napakalakas na lindol sa Mindanao.