Advertisers

Advertisers

Iwa Moto, 15 taon tengga balik-showbiz; ikakasal na sa 2028 sa ex-mister ni Jodi Sta. Maria

0 93

Advertisers

By Anne Venancio

Matapos ang mahabang panahon ng pagkawala sa telebisyon, muling bumalik sa spotlight ang aktres na si Iwa Moto sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA-7.

Ramdam ang excitement ng dating StarStruck alumna sa kanyang pagbabalik sa kamera matapos ang halos 15 taon na pamamahinga sa showbiz.

Sa panayam, ibinahagi ni Iwa ang updates sa kanyang personal na buhay kasama ang longtime partner na si Pampi Lacson. Ayon sa kanya, target nilang ikasal sa taong 2028, matapos maayos ang ilang legal na usapin bago ang kanilang pagpapakasal.

Kasama rin ni Iwa sa studio ang kanyang anak na babae, na may interes umano sa showbiz, ngunit iginiit niyang mas prayoridad muna ang edukasyon nito.

Tinalakay din ng aktres ang kanyang nakaraan, kabilang ang naging kasal at hiwalayan niya sa dating partner na si Mickey Ablan, pati na ang proseso ng annulment na kanyang pinagdaanan.

Sa kabila ng mga pagsubok, sinabi ni Iwa na mas pinili niyang magpokus sa pag-usad ng buhay at magpasalamat sa mga karanasang humubog sa kanya bilang tao.