Advertisers

Advertisers

Ellen Adarna kaya independent, sinabihan ng ama na walang lalaking worth it ng luha niya

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Inamin ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang naging karanasan sa pag-ibig noong bata pa siya, kabilang ang mga panahong muntik niyang suwayin ang payo ng kanyang ama tungkol sa relasyon at pagpapakasal.

Ayon sa aktres, dumaan siya sa pagiging bulag sa pag-ibig kung saan hindi niya masyadong pinakinggan ang sinasabi ng kanyang magulang pero nananatili sa kanya ang mga aral ng kanyang ama tungkol sa pagprotekta sa sarili at hindi basta pagpapadala sa emosyon.

Isa sa mga tumatak sa kanya na payo ng kanyang ama ay ang pahayag na “walang lalaking worth sa luha mo,” na naging gabay niya sa pagharap sa mga relasyon.

Lumaki rin si Ellen na may malalim na pagtingin sa pag-ibig dahil sa kwento ng kanyang lolo at lola, na naging inspirasyon ng makasaysayang Temple of Leah bilang simbolo ng wagas na pagmamahal.

Inamin din ng aktres na dumating siya sa puntong nagdesisyon siya para sa sarili kahit taliwas ito sa payo ng magulang, lalo na noong kabataan niya.
Sa huli, natutunan niya na hindi lahat ng relasyon ay nagtatagal at hindi lahat ng kilig ay pang-habang buhay. At ang kanyang pagiging matatag at independent ay bunga ng mahigpit ngunit makabuluhang pagpapalaki ng kanyang ama, na naghubog sa kanya bilang isang self-sufficient na indibidwal.
Sa ngayon, mas pinahahalagahan na raw nito ang kapayapaan ng isip at tamang pagdedesisyon kaysa padalos-dalos na emosyon, lalo na pagdating sa pag-ibig at personal na buhay.