Advertisers
BUMAGSAK si Alex Eala ng dalawang puwesto hanggang No.35 sa WTA live rankings Lunes.
Hindi naman nabawasan ng puntos si Eala, sa halip nadagdagan pa ng anim kaya umabot sa kabuuang 1,422.
Ang pagbaba niya ay sanhi nina Donna Vekic at Emma Raducanu na gumawa ng malalaking pag-angat sa No. 31 at 32, ayon sa pagkakasunod, matapos maabot ang final ng katatapos lang na 500 HSBC Championships.
Sa pagkapanalo sa nasabing torneo, umakyat si Vekic mula No. 76 hanggang No. 32 na may 1436 puntos, na may netong dagdag na 503.
Samantala, ang runner-up na si Raducanu ay umakyat mula No. 42 hanggang 31 na may 1,458 puntos at netong dagdag na 217.
Ang galaw sa live rankings ay hindi pa narereflekta sa opisyal na rankings sa oras na ito.