Advertisers

Advertisers

JUNE 24, IDINEKLARA NI PBBN BILANG SPECIAL NON-WORKING DAY SA MAYNILA AT LIAN, BATANGAS

0 7

Advertisers

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 24, 2026 bilang special non-working day sa lungsod ng Maynila at bayan ng Lian, Batangas.



Batay sa Proclamation No. 1320, ginawang espesyal na araw ang Hunyo 24 sa Maynila bilang pagdiriwang ng ika-455 anibersaryo ng pagkakatatag ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa Palasyo, layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok at makisaya sa mga aktibidad ng pagdiriwang.



Samantala, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1321, idineklara rin ang parehong araw bilang special non-working day sa Lian sa Batangas para sa selebrasyon ng Sambuhos Festival.

Ang Sambuhos Festival ay isang tradisyunal na pagdiriwang kung saan nagbubuhusan ng tubig ang mga residente at bisita na sumisimbolo sa biblical baptism na ginawa ni San Juan Bautista sa Jordan River. (Gilbert Perdez)