Advertisers
Sa nagdaang mga araw may Win na talo at mayroon ding Win na panalo.
Ang tinutukoy nating naolat ay si Coach Tab BaldWIN. Siya ang lumabas na kontrabida sa pagkamatay ng dalawang 19 años niyang mga player. Komo siya ang may pakana ng boot camp sa Dipaculao, Aurora ay siyempre siya ang sinisisi sa pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Apili
Bagama’t sinsabing aksidente ang pangyayari ay siya ang may command responsibilility.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng DOLE, CIDG at pati ng PSC ang insidente nguni’t sa publiko ay siya ang may kasalanan dito.
Yung isa namang WIN na wagi ay si Sen. SherWIN Gatchalian dahil sa pagkakatalaga sa kaniya bilang lehitimong Pangulo ng Senado. Dati ay in acting capacity lang na bunga ng gulo sa Mataas na Kapulungan.
Wala na ang mga kumukwestiyon sa kanyang liderato. Ang kampo niya ang tagumpay sa race to 13
Trabaho na ulir mga halal ng bayan.
***
Nabalita ang nalalapit na merger ng SMC Tollways at Metro Pacific Tollways. Ang dalawang grupo na may-ari ng mga expressway sa Pinas ay pagiisahin na sa lalong madaling panahon. Yung SMC na kontrolado ni Ramon S Ang hahawak sa di bababa sa 51% at ang matitira at mapupunta sa pangkat ni Manny V. Pangilinan.
Dahil dito ay apektado ang NLEX team sa PBA. Mananatili pa ba ito sa pro league o mawawala na?
Paano ang mangyayari sa mga player?
Abangan!
***
Tumpak ang prediksyon ni Jerwin Gaco sa magwawagi ng kampeonato sa PBA.
Ayon sa ex-player ng Purefoods ay Ginebra San Miguel ang susungkit ng korona.
Sinabi niya yan sa ating panayam habang 2-2 ang kartada sa best of 7 ng GSM at TNT.
Korek din hula ni Ryan Araña tulad ni Gaco na kasamahan niya sa PBA Moto Club.
Sa NBA sakto rin ang pinili ni Jerwin na New York nguni’t si Ryan na matagal nagdribol para sa Rain Or Shine ay gusto San Antonio.
***
Taga- Naga na ang dating PBA cager na si Jared Dillinger. Ang Fil-Am na naglaro saTNT, Ginebra at Meralco ay sa maogmang lugar na naninirahan kasama ang kanyang pamilya. Pinili ni Jared ang siyudad dahil dito lumaki ang kanyang kabiyak na si Eunice. Paniwala rin niya na sa lungsod ay maraming oportunidad na umunlad.
May proyekto ang No 2 pick taong 2008 at opisina ni Mayor Leni Robredo hinggil sa paghahanda sa sakuna. Kasali rin siya sa mga programang pang sports sa buong Bicol.