Advertisers
PUMALO pa sa P18.55 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa katapusan ng Mayo 2026, ayon sa pinakahuling ulat ng Bureau of the Treasury (BTr).
Umakyat ito ng 0.41% o dagdag na P76.1 bilyon kumpara sa P18.47 trilyon na naitala noong katapusan ng Abril 2026.
Ang pangunahing dahilan ng paglobo ng utang ay bunsod ng mas agresibong pagsasagawa ng domestic borrowings o pag-isyu ng mga government securities upang pondohan ang mga programa ng estado sa kabila ng pabago-bagong galaw ng merkado dulot ng tensyon sa Middle East.
Karamihan ng utang ng bansa o humigit-kumulang 68% hanggang 70% ay domestic o galing sa loob ng bansa gaya ng mga lokal na bangko at mamumuhunan, habang ang natitira ay external o utang sa ibang bansa.
Bagamat patuloy na tumataas ang utang at inaasahang lalampas sa P19 trilyon sa katapusan ng 2026, naninindigan ang BTr na kaya itong bayaran o manageable dahil sa paglago ng ekonomiya.