Advertisers

Advertisers

14 Pinoy seafarers na inabandona sa Turkiye, nakauwi na sa ‘Pinas

0 2

Advertisers

DUMATING na sa bansa ang 14 na Filipino crew na sakay ng inabandonang Somali-flagged cargo vessel na M/V Afadjad sa Türkiye.

Sila ay ni-refer Department of Health (DOH) accredited hospital para sa psychosocial counseling.

Tutulungan din sila ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Admi-nistration (OWWA) para sa legal assistance para makuha nila ang kanilang mga naiwang sweldo at benepisyo.



Ang naturang Pinoy seafarers ay unang na-rescue matapos ma-stranded sa kanilang barko nang walang kuryente, walang inuming tubig at walang pagkain.

Ang kanilang barko ay idineklarang unfit to sail dahil sa engine failure at nabigo ang shipowner sa kanilang mga obligasyon.



Tinulungan naman ang Pinoy crew members ng Philippine Embassy sa Ankara at Migrant Workers Office sa Lebanon, para sa kanilang pamasahe sa eroplano at emergency financial assistance.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">