Advertisers

Advertisers

Mark Dionisio nag-eenjoy sa bida-kontrabida roles, tampok sa “Creampie” sa VMX app

0 3

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

UMAARANGKADA si Mark Dionisio bilang actor/producer. Ang forthcoming movie niyang “Creampie” sa VMX ay ang pang-anim na niya as actor/producer.

Ang Creampie ay streaming na sa VMX sa July 31 at kasama ni Mark dito sina Angel Castro, Vince Rillon, Christ Imperial and Margaret Sison.

Ayon kat Mark, “Ang Creampie po ay isang suspense-drama movie. Matatapang at mapupusok po iyong mga lovescenes dito. May mga threesome at foursome po na mga eksena.”

Bago siya napasabak sa Vivamax, paano ang takbo ng kanyang showbiz career?

“Bago po mag-Vivamax, I’ve been doing character roles sa mga teleserye and mga indie movies. Pero kahit ngayon po na nag-VMX na ako, madalas pa rin po akong lumabas sa mga TV series lalo na sa GMA-7,” pakli pa ni Mark.

Sa ngayon, ang estimate ni Mark ay higit 20 movies na ang nagawa niya sa Vivamax/VMX.
Kailan at paano siya nag- start sa Vivamax na eventually ay naging VMX?

Esplika ni Mark, “During mga lock-in tapings po dati, nakakapanood po ako ng Vivamax. Napanood ko po yung mga hinahangaan kong actors like Sid Lucero and Kuya Mon Confiado kaya sabi ko sa sarili ko parang puwede ako rito sa VMX.

“Then late 2022 po, napasama po ako sa isang film ni Robb Guinto titled Showroom. After that film po I decided to sign up with Viva na.”

Paaano niya ide-describe ang audience o market ng VMX?

“Malaki na ang market ng VMX even abroad. Lalo na sa mga OFW po na naghahanap ng mga mature entertainment.”

Sa palagay niya, ano ang dapat na napapanood o content sa mga VMX movies?

“Siguro po dapat ang focus pa rin ay sa story na sasabayan ng matitinding love/sex scenes. Dapat may balance po talaga,” diin pa ng hunk actor

Ano ang kanyang dream role?

“Wala po akong masasabi na specific na dream role or character. Ang dream ko po ay mabigyan ako ng tuloy-tuloy na trabaho at maka-work ko po ang mga veteran actors sa industry.

“Although na-eenjoy ko po talaga yung playing kontrabida or bida-kontrabida roles.”