Advertisers
AABOT sa 20,000 na pulis ang inaasahang ide-deploy para sa nalalapit na Station of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Major Hazel Asilo, sa ngayon ay wala pa naman silang namo-monitor na banta kaugnay ng nasabing inaasahang aktibidad.
Dagdag pa nito, wala rin silang natatanggap na listahan ng posibleng magsagawa ng kilos-protesta sa araw na iyon.
Siniguro naman ng PNP na patuloy silang magmo-monitor sa seguridad kagaya ng mga posibleng banta sa nasabing aktibidad. (Mark Obleada)