Advertisers

Advertisers

RISA KAMPI KAY GIBO KONTRA ISYU SA CHINA

0 21

Advertisers

HABANG abala si Misfit Sara na ipagtanggol ang sarili sa Senate impeachment court, kagyat na nagsalita si Risa Hontiveros upang tutulan ang abuso ng China kontra sa Filipinas. Malamig pa sa ilong ng pusa ang tindig ni Misfit Sara laban sa Peking. Kabaligtaran ni Risa na tahasang bumatikos sa China, ang diyos ni Misfit Sara.

Mala-agila ang tindig ni Risa sa China. Tinawag ni Risa ang China na “bully” (mapanuwag), “gaslighter” (nambabaluktot ng katwiran), at abusado pagdating sa kanilang relasyon sa ibang bansa. Ganap na sinuportahan ni Risa ang paninindigan ng Filipinas kasama si Gibo Teodoro, kalihim ng tanggulang bansa, kontra China.

Nang bombahin ng tubig noong 2023 ng mga barkong pandigma ng China ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard, sinabi ni Risa: “China is an abuser. Dapat ang ginagawa sa abusado, ipinatitigil- what you do to an abuser, you stop them.”

Kinondena ni Risa ang ginawa ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Filipinas dahil labag ito sa international law. Hindi totoo ang pag-angkin ng China sa teritoryo ng bansa. Namuno ang Akbayan Party List sa pagbuo ng isang alyansa ng iba’t-ibang organisasyon kontra sa pangangamkam ng China sa teritoryo ng bansa. “Atin ang West Philippine Sea” – ito ang itinawag sa koalisyon.

Namuno ang alyansa sa ilang kilos protesta upang idiin na atin ang mga bahagi ng ating teritoryo na kinakam ng Peking. Kasama sa kanilang pagkilos ang pagbigay ng tulong sa mga sundalong nakabase sa mga bahura ng Filipinas at pagdaraos ng isang music concert doon.

Nang lagyan ng Peking ng floating barrier ang Bajo de Masinloc, tumindig sa bulwagan ng Senado si Risa at nagsalita: “China has yet again violated international law, ignored the Hague Ruling, and showed the world how much of a bully she is.” Inakusahan ni Risa ang China bilang mapanuwag at walang kinaya kundi ang mga bansa walang balak na makipagdigmaan sa kanila.

Hindi lang mga matitinding salita ang binitiwan ni Risa loob at labas ng bulwagan ng Senado. Isinumite niya ang Senate Resolution 85 na humihingi sa Ehekutibo na gamitin ang “legal and diplomatic pressures” upang hingin sa China na magbayad sa mga pinsala sa kanilang mga mapanirang aktibidad sa karagatan na sakop ng Filipinas.

Binanggit ni Risa ang pinsalang abot sa P33 bilyon kada taon sa marine ecosystems, o P396 billyon mula 2013 hanggang 2024. Itinuro ang mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal na ayon sa kanya ay lifeless, with minimal to no signs of life” batay sa survey ng PCG. Ani ni Risa: “It is time for China to be held accountable for her belligerence. Sumusobra na (They’re going too far).” Hiningi niya sa gobyerno ni BBM na dalhin ang Peking sa pandaigdigang hukuman upang mapanagot ang China.

Isa si Risa sa 11 senador na nagsumite ng Senate Resolution 708 na kumukondena sa ilegal na aktibidad ng China sa EEZ ng bansa. Batid na international community na hindi natitinag si Risa sa paninindigan niya kontra China.

Mga mga ilang panukala si Risa hinggil sa China. Una, joint oil exploration ng Filipinas at China sa West Philippine Sea; ikalawa, pagpapaunlad ng kapabilidad ng PCG at Navy sa pagmamaniobra sa Chinese blockade sa Ayungin Shoal; at ikatlo, ang pagtaas ng laang intelligence budget para sa mga ahensya na nagtatanggol sa mga teritoryo ng bansa.

Hiningi ni Risa sa DFA na tawagin at hingan ng paliwanag ang sugo ng Embahada ng Peking sa kanilang atake sa mga opisyal ng bansa. Hindi dito natapos ang aksyon ni Risa. Inisumite niya ang panukalang batas “Foreign Interference Act” dahil sa pakikialam umano ng China sa halalan noong 2025. Bumisita si Risa sa Pag-asa Island at idineklarang hindi handa ang Filipinas na isuko ang anumang bahagi ng West Philippine Sea at hiningi ang pagpapalakas at pagpapalawak ng alyansang militar ng Filipinas at Estados Unidos.

Samantala, binatikos si Misfit Sara sa nakakabinging katahimikan sa pagkamkam ng China sa teritoryo ng Filipinas. “No comment” – ito ang binitiwang reaksyon niya noong 2024 tungkol sa pagsakop ng China sa ilang bahura ng bansa.

“Diplomatic channels only, don’t overshadow broader ties,” aniya noong Oktubre 2025. “Meron tayong arbitral award, nanalo na tayo doon. We need to assert that through diplomatic channels. Because the harassment in the West Philippine Sea, it does not comprise the entire relationship natin sa China.” – ito ang salita niya noong 2025.

“Hindi ‘yan pinaglalaban doon sa dagat. It should not be fought at sea, it has to go through DFA talks” aniya. Tinawag niya na “pro-Philippines, not pro-China” defense,” ang paninindigan niya na tahimik siya isyu sa Sandy Cay. She said in Bisaya (Cebuano), “of course I am pro-Philippines and nothing else.”

Hiningi ni Misfit Sara na makipagnegosasyon ang bansa sa Peking tungkol sa arbitral win, kahit binatikos niya si BBM sa pagkatig sa Estados Unidos. “His government should talk with Beijing regarding the 2016 arbitral ruling,” aniya. Negosasyon kahit nanalo na tayo? Basag ang pula?

***

ISA si Risa Hontiveros sa mga unang mambabatas na kumondena sa isang claim noong ika-30 ng Hunyo sa isang symposium sa China kung saan sinabi ng ilang hindi kilalang akademikong Intsik mula Nanjing University, Chinese Academy of Social Sciences and Jinan University na ang Batanes ay “natural geographical extension” ng Taiwan at, samakatuwid, pag-aari ng China. Walang batayang legal ang gobyerno ang Filipinas na ituring ito bilang lalawigan, anila.

Sa isang pahayag noong ika-12 ng Hulyo, o araw ng ikasampung anibersaryo ng panalo ng bansa sa UNCLOS, sinabi ni Hontiveros: “Chinese academics have gone so far as to claim that Batanes belongs to China. This is a grave insult to every Ivatan, to every Filipino, and further proof of how deeply the Chinese government’s propaganda has taken root in its own people.”

Dagdag niya: “China’s disinformation campaigns are exactly why the Arbitral Award matters, not only as a landmark ruling etched in the annals of history, but as a shield against those who systematically spread lies.

“Ten years ago today, the Philippines showed the world what it means to stand up to a giant and win. The 2016 Hague Ruling stands, affirming that China’s nine-dash line has absolutely no basis in international law… Mahalaga na ipagdiwang ang araw na ito dahil hindi tumitigil ang Tsina sa pag-angkin ng hindi kanya.”