Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan tinanggihan ang pag-alis kay Bonoan sa kasong graft

0 6

Advertisers

IBINASURA ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng prosekusyon na alisin si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused sa kasong graft na kinasasangkutan ni Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon sa korte, hindi maaaring baguhin ang impormasyon sa kaso dahil na-arraign na si Estrada noong Hunyo 4.

Ang pagtanggal kay Bonoan ay magbabago umano sa teorya ng kaso mula sa “conspiracy” patungo sa “individual liability,” na makakaapekto sa depensa ng senador.



Nais ng prosekusyon na alisin si Bonoan upang magamit siya bilang state witness sa mga flood control cases, kabilang ang master case laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Gayunman, iginiit ng Sandiganbayan na ang ganitong pagbabago ay hindi pinahihintulutan sa yugtong ito ng paglilitis.



“The proposed amended information removes the only co-accused and purported conspirator of accused Estrada from the case, thereby modifying the theory of criminal liability from one predicated on conspiracy to one imposing individual liability on the part of accused Estrada,” wika ni Presiding Justice Geraldine Econg.

Nilinaw ng korte na maaari pa ring i-discharge si Bonoan bilang state witness sa tamang yugto ng paglilitis.



Sa ngayon, mananatili siyang co-accused sa kaso laban kay Estrada, na patuloy na tinututukan dahil sa umano’y flood control kickback scheme.