Advertisers

Advertisers

RISA, ALICE GUO, POGO (1)

0 4

Advertisers

PANAHON ni Gongdi ng nagsulputan ang mga kompanyang POGO sa bansa. Matinding pinsala ang dulot ng mga POGO, ngunit bahag ang buntot ng maraming lider ng bansa dahil suportado sila ng sindikatong Inferior Dabaw ni Gongdi. Dumagsa ang daan-libong Intsik mula China at dala nila ang maraming krimen. Namili ng mga arian-arian ang mga Intsik na may-ari ng POGO upang palakihin ang kanilang operasyon dito.

Dahan-dahan sinilip ni Risa Hontiveros ang lawak at lalim ng kanilang operasyon at pinsala sa bansa. Hindi siya nagmadali at inisa-isa niya ang mga isyung dapat usisain sa mga POGO dito. Si Risa ang nag-umpisa ng inisyatiba na busisiin ang mga POGO.

Noong 2019, ibinulgar ni Risa sa Senado ang “pastillas scam.” Sa siyasat ng Senado, nabisto na tumanggap ng suhol ang mga Immigration officers sa mga pumasok na Intsik. Nakarolyo sa papel na parang pastillas ang suhol sa mga korap na Immigration official. Pumasok ang mga Intsik kapalit ang suhol. Naglabas si Hontiveros ng video kung saan nagkaroon ng suhulan.

Hindi sinibak ni Gongdi ang Immigration Commissioner noon Jaime Morente. Binigyan siya ng proteksyon. Ngunit dahil sa matinding pressure, napilitan si Morente na nagbitiw kalaunan. Sa taya ni Risa, abot P1 bilyon ang suhol na dumaan sa kamay ng mga Immigration officials.

Panahon ni Gongdi ng umusbong ang mga kompanyang POGO. Umupa sila ng buong gusali sa Bay Area, Alabang, Clark, at Mactan. Walang crackdown kahit walang building permit at buwis. Abot sa P50 bilyon ang hindi nabayaran sa prangkisa at income tax, ayon sa BIR noong 2019.

Iiba si Gongdi at kinampihan ang mga POGO. Noong 2020, sinabi niya: “We need to give them chance, don’t be too hard.” Pero abusado ang mga POGO. Ayon sa PNP at PAOCC, may mga gusali at compound ang mga POGO na kaugnay sa kidnapping ng mga Chinese national. Sila-sila ang may dala ng mga krimen sa bansa.

Hindi lang kidnapping. May torture at prostitusyon. Iniulat ng Senado na may mahigit 4,000 ang insidente ng kidnapping. Nagpakitang gilas si Gongdi. Ipinasara ang mga ilegal na POGO. Itinira ang mga rehistrado.Tinanggihan ni Gongdi ang mga mungkahi na sibakin ang mga POGO sa bansa. Kumita kasi siya sa kanila.

***

HINDI dito natatapos ang isyu ng mga kompanyang POGO. Inumpisahan ni Risa kasama si Sherwin sa siyasat sa kanila. Umpisa 2022, nakilala ang mga Intsik na boss ng mga kompanyang POGO ay mga pekeng Filipino. Mayroon silang pekeng birth certificate, mga late registrant.

Nagsimula ang siyasat kay Alice Guo, alkalde noon ng Bamban, Tarlac. Namili ng mga lupain si Guo sa Tarlac at tinayuan ng gusali para sa operasyon ng POGO. Lumalim ang siyasat ng Senado at PAOCC, nabisto na may ibang Intsik ang kasama sa mga kalokohan. Nagpanggap na Pinoy ang mga Intsik dahil sa mga pekeng dokumento.

Namili sila ng lupa at tinayuan ng gusali sa Pampanga at Tarlac para sa operasyon ng POGO. May mga criminal record sa Tsina, Taiwan, at ibang bansa. Tumanggap sila ng mahigit P14 bilyon mula Tsina at ibang bansa upang pondohan ang operasyon ng POGO sa bansa.

Idinahilan ng kampo ni Gongdi na hindi tuta ng China si Gongdi at kailangan umano ang mga kompanyang POGO dahil dala nila infrastructure money mula China para sa airport, dam, at iba pa. Kailangan ang kita mula POGO dahil ito ang gamit ng PAGCOR sa Universal Health Care at sagot sa COVID-19.

Malaking problema sa national security ang mga POGO dahil hinayaan ni Gongdi na dumagsa ang mahigit 300,000 Intsik sa bansa at hindi iniintindi ang krimen nila. Hindi kinalaban ni Gongdi ang China kahit kinamkam na ang ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Pumayag si Gongdi sa mataas na interes na pautang ng China. Ito ang mga dahilan kung bakit tuluyang ipinagbawal ni BBM ang mga kompanyang POGO nang siya na humalili kay Gongdi.

Kasama si Risa sa mga nagsulong na baklasin ang mga POGO na lampas 200 ang ilegal at 34 lang ang rehistrado sa PAGCOR nang natapos ang termino ni Gongdi nong 2022. Kahit iniutos ni BBM ang total ban sa kanila, marami ang nagtayo ng “scam farms” na may love scams at crypto scams sa mga POGO sa Bamban at Porac, Pampanga. Dito nahuli si Alice Guo.

Bilang chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, inumpisahan ni Risa ang pagdinig sa pastillas scam at lumawak ito sa trafficking ng mga Pinoy sa mga scam farm sa Myanmar, Cambodia, at mga POGO dito.

Ani Risa sa privilege speech noong 2023: “POGOs are not just online gambling – they are front for human trafficking, kidnapping, torture, sex trafficking, money laundering, online scams.” Ang mga biktima ay mga Chinese, Vietnamese, at Filipino na ikinandado sa POGO compound sa Clark at Pasay City, aniya.

Ipinakita ni Risa sa kauna-unahang pagkakataon na magkakaugnay ang mga isyu ng POGO, human trafficking, at Alice Guo. Marami pa ang naniwala na kakaiba lang si Guo dahil hindi malinaw ang kanyang citizenship.

Ika-13 ng Marso, 2024 nang nagsagawa ng raid ang PAOCC sa Zun Yuan Technology/Baofu compound sa Bamban, Tarlac, ang 36-ektarya POGO compound sa likod ng Bamban Municipal Hall. Nahuli ang 700 na biktima ng human trafficking, torture rooms, at love scam scripts.

Napansin ni Risa na binabayaran ng munisipyo ng Bamban ang electricity bill ng compound. Nabisto rin ni Risa na pag-aari ni Alice Guo ang kalahati ng lupa at siya ang nag-apruba ng permit to operate ng POGO doon. Nagdaos ng pagdinig ang komite ni Risa noong 2024 at nabisto ng komite ang ilang bagay na hindi nakita ng NBI at PAOCC. (Tatapusin)