Advertisers

Advertisers

Mga nasa likod ng pekeng balita ukol sa ‘Bato arrest’ sisilipin ng PCO

0 6

Advertisers

INATASAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang Anti-Fake News Desk nito na imbestigahan ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng umano’y pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinag-utos ni PCO Secretary Dave Gomez ang pagsisiyasat upang matukoy kung sinadyang magpakalat ng maling balita ang mga sangkot.

Kasunod ito ng paglilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang katotohanan ang kumalat na ulat sa social media na naaresto na si Dela Rosa, at iginiit na nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga awtoridad.



Nanawagan din si Castro sa mainstream media na makiisa sa pamahalaan sa paglaban sa fake news sa pamamagitan ng masusing pagberipika ng pinanggagalingan ng impormasyon bago ito ilathala o ibalita.

Ayon pa kay Castro, pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang posibleng legal na pananagutan at mga kasong maaaring isampa laban sa mga mapatutunayang responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon.



Patuloy din aniyang tinutukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng pekeng balita, kabilang ang posibilidad na may mga troll na tumulong sa pagpapalaganap nito sa iba’t ibang online platforms. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">