Advertisers

Advertisers

Dennis Trillo, ‘di feel maging Superstar, full-time bilang tatay at asawa

0 7

Advertisers

Ni Anne Venancio

Mas nakatuon ngayon si Dennis Trillo sa kanyang pamilya habang nagpapatuloy ang kanyang mahigit dalawang dekadang karera sa showbiz.

Sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng Kapuso actor na nagbago na ang kanyang priorities habang tumatagal ang kanyang karera. Para kay Dennis, mas maituturing na siyang “part-time actor” dahil mas full-time siya bilang ama at asawa.

Malaki rin ang pasasalamat ni Dennis sa GMA Network, na aniya ay isa sa mga unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon nang nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Dahil dito, itinuring niya ang network bilang kanyang tahanan.

Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan noong mga unang taon niya bilang artista, nang hindi pa umaabot sa P5,000 ang kanyang talent fee kada episode. Naging inspirasyon niya ang balitang ?15,000 ang kinikita noon ng isang bida sa Maalaala Mo Kaya upang lalo pang magsikap.

Gayunman, sinabi ni Dennis na hindi niya kailanman pangunahing layunin ang maging superstar. Mas nais niyang maging mahusay na artista at sulitin ang bawat oportunidad na ibinibigay sa kanya.

Sa kanyang pagsasama nila ni Jennylyn Mercado, sinabi ni Dennis na nananatili siyang 100 porsiyentong loyal sa kanyang asawa at iniiwasang gumawa ng anumang maaaring magdulot ng selos.

Bilang ama, pinayuhan naman niya ang 18-anyos na anak na si Calix na huwag magmadali sa pag-ibig at maging handa sa mga responsibilidad.

Samantala, kabilang sa mga proyekto ni Dennis ang isang pelikulang nakatakdang ipalabas sa 2026 Metro Manila Film Festival. Tatalakay ito sa Marawi siege at kuwento ng isang pamilyang nakaligtas sa trahedya.

Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng kanyang career, malinaw kay Dennis na pamilya ang isa sa kanyang pangunahing prayoridad.