Advertisers
TULAD ng kastilyong buhangin, gumuho sa isang kisap mata ang inihaing panlaban sana ng pangkat ng Inferior Davao ni Misfit Sara. Binawi ni Orly Guteza ang kanyang sinabi na nagdala siya ng male-malateng pera kay dating Ispiker Martin Romualdez. Sumama siya sa apat na Maleta Boys na bumawi rin sa kanilang mga naunang pahayag.
Isa ang lumalabas na dahilan kung bakit bumaligtad ang mga Maleta Boys at Guteza. Hindi tumupad sa usapan si Rodente Marcoleta at Michael Defensor. Hindi dumating sa kanila ang mga ipinangakong milyones. Naiwan sila sa ere.
Mas lumalim ang hinahalungkat ni Ping Lacson na katiwalin ng magkapatid na Alan Bitter at Pia Cawatano sa Taguig City. Niraket ni Bitter Cawatano ang reclamation project sa ang bahagi ng Laguna Lake na nasa gawi ng Taguig City. Ibinigay ni Ping sa Office of the Ombudsman ang mga katibayan na nagsabit kay Cawatano. Hindi namin alam kung paano siya kakawala dito. Ang alam namin biglang tahimik ang dating masatsat pa sa binabae na si Cawatano.
Nanatili ang mag-inang Loren at Leandro Legarda upang makaiwas sa pananagutan sa kanilang solar project kung saan binudol nila ang gobyerno ng P32 bilyon na ibinigay ni Gongdi upang makuha ang kanilang katapatan. Hindi malaman kung babalik pa ang mag-ina kahit nagsalita ng pagdududa si Ombudsman Boying Remulla na may malalim na laro ang mag-ina at mukhang hindi na sila babalik sa bansa upang harapin ang mga pananagutan.
Sa Camara de Representante, bumoto ang malaking bilang ng mayorya upang bawiin ang prangkisa na ibinigay sa SMNI, ang network na pag-aari ni Apollo Quiboloy, ang pekeng pastor na nagpapanggap na “anak ng Diyos” upang makapanloko. Hindi malayong ibigay ng gobyerno si Quiboloy sa Estados Unidos na humingi ng extradition dahil sa kanyang mga krimen doon. May matinding pressure ang Washington sa gobyerno ni BBM. Hindi namin nakikita na makakatanggi si BBM.
Kumikilos sa Office of the Ombudsman, Department of Justice (DoJ), at NBI sa mga asunto laban sa ilang mambabatas na sangkot sa flood control scandal. Mayroon senador na kabilang sa oposisyon. Hindi lang iyan. May imbestigasyon rin kay Camoteng Robin at Cawatano na inakusahan ng obstruction of justice dahil sangkot sila sa pagpapatakas kay Bato dela Rosa.
Sa Senado, tuloy tuloy ang pagdinig ni Misfit Sara kaugnay sa Articles of Impeachment na isinampa sa kanya ng Camara. May mga pagpapaliban sa pagdinig dahil sa sama ng panahon, ngunit hindi nagbabago ang tumbok. Nahaharap si Misfit Sara sa pagpapatalsik sa kanya sa puwesto at disqualification na muling tumakbo sa 2028.
May mga isinampang reklamo ang DoJ laban kay Misfit kaugnay sa kanyang banta na papatayin si BBM, Liza Marcos, at Romualdez. Maaari itong kumikilos sa husgado anumang oras. Samantala, tuloy-tuloy ang proseso na haharap sa trial si Gongdi sa ICC sa Nobyembre. Walang pagbabago sa takdang panahon.
Hindi namin nakikita angpagbangon ng Inferior Davao sa pagkalugmok. Ang problema nila ay walang magaling sa kanila. Magaling lang sila sa satsat pero hindi sa ideya. Sadyang salat na salat sila sa mga magagandang ideya. Sa maikli, wala silang itinatagong galing.
***
MAY pakiramdam si Kin. Zia Alonto Adiong na muling hindi dadalo sa pagdinig ng Camara si Misfit Sara. Masyadong malaki kasi ang hinihingi ni Misfit na budget ng kanyang tanggapan kahit walang ginagawa. Hindi namin nakikita na papayag ang Camara na pagbigyan ang hinihinging P2.2 bilyon budget ng OVP sa panukalang P7.2 trilyon na national budget sa 2028.
Sa mga nakaraang taon, hindi lumampas sa P1 bilyon ang budget ng OVP. Kaya mahigit sa doble ang hinihingi ng OVP. Walang nakapaloob na confidential o intelligence fund sa hinihinging budget para sa OVP.
Gayunpaman, nangangamba na hindi dadalo si Misfit upang ipaliwanag ang panukalang budget ng kanyang tanggapan. Kung mangyayari ang hindi pagdalo, malamang na kaltasin ng Kongreso ang malaking bahagi ng kanyang budget. Maaaring hindi lalampas sa P1 bilyon ang ibigay sa kanya, aniya.
***
MGA PILING SALITA: “Mahal ko ang Filipinas. Pero hindi ako magpapakamatay para kay Gongdi, Misfit Sara, Bato, Bong Go, Camoteng Robin, Polong, Baste, Rodente, Tricky Tsis Screwdero, Vilyonueva, at Cawatano. Hindi ako papayag na turuan ng sino sa kanila kung paano ko mamahalin ang bansa ko. Hindi ko rin sila dapat pakinggan at tularan. Silang mga pipitsugin at patapon. At mga mandarambong…” – PL, netizen, kritiko
“You are my only son. You carry my name and the name of my father. I have no material wealth to leave you; I never had time to make money while I was in the hire of our people. For this I am very sorry.” Ninoy’s letter to Noynoy (Benigno Aquino III), August 25, 1973
“The Philippines is rich. We are just easily fooled by politicians.” – Ma’am Syj, netizen, critic