Advertisers

Advertisers

3 paslit nasawi sa sunog sa Mandaluyong

0 1

Advertisers

NASAWI ang tatlong bata sa sunog sa isang bahay sa Block 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, Huwebes ng gabi, Setyembre 3.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasawi ang magkapatid na edad dalawa at apat na taon gulang na na-trap sa loob ng kuwarto sa ikaapat na palapag ng bahay.
Isang 7-anyos nilang kamag-anak ang nakalabas pa ngunit kalaunan ay binawian ng buhay sa ospital.
Bandang 7:30 ng gabi nang maiulat ang sunog. Agad itong naapula ng mga bumbero sa tulong ng mga residente at hindi na kumalat sa mga ka-tabing bahay.
Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.
Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga magulang at guardian na huwag iwanang walang kasama ang maliliit na bata at tiya-king hindi nila maaabot ang mga bagay na madaling magliyab.