Advertisers
WALANG alinlangang haharapin umamo ni Leyte Representative at dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga alegasyon na ipinupukol laban sa kanya sa pamamagitan ng legal na proseso at hinihiling lamang na dapat ito ay nasa due process at may pantay na pagdinig na ipinapataw sa bawat mamamayang Filipino.
Ito ang mariing pakiusap ni legal counsel at tagapagsalita na si Atty. Ade Fajardo kasunod ng isinampang kaso ng pandarambong o plunder case ng Office of the Ombudsman kaugnay ng kontrobersyal na flood control scam laban kay Rep. Romualdez sa tanggapan ng Sandiganbayan.
Sinabi ni Fajardo na inirerespeto ni Romualdez ang naging desisyon ng korte at handa umanong harapin na naaayon sa batas upang sagutin ang mga alegasyon na siya ay may malaking partisipasyon diumano sa nasabing kontrobersya.
“We respect the courts and the legal process. Representative Ferdinand Martin G. Romualdez will face the allegations against him in accordance with law,” saad ni Fajardo.
Panawagan ni Fajardo sa publiko na huwag munang pangunahan ang daloy ng isasagawang imbestigasyon ng korte kung saan aniya ang criminal liability ay nakasalalay o nakadepende upang madetermina ang basehan ng mga ebidensya na ihaharap sa korte.
“We recognize the public interest surrounding this case. But ultimately, criminal liability must be determined by the evidence presented in court, under the rules and safeguards of our justice system,” paliwanag pa ni Fajardo.
Diin ni Fajardo na si Romualdez ay hindi umano humihingi ng anomang special treatment as he habang ito ay humaharap sa anomang mga alegasyon.
“Representative Romualdez asks for no special treatment. He asks only for the same due process and fair hearing guaranteed to every Filipino.”
“Katotohanan, ebidensya, at patas na proseso ang dapat manaig,” diin ni Fajardo. (Henry Padilla)